Medyo malungkot ang update na ito. Syempre, dapat sa isang kwento di lang puro happy. Dapat may sad moments din. :) Sensy tagal ng update.
For you, AprilPearl0! ♥
============================================================
THIRTY-FOUR
A Sad Memory
LUIGI'S POV
Lumipas ang tatlong araw na wala kaming kibuan ni Eva. Pagpapasok ako, nakakulong lang sya sa kwarto nya. Kapag dumating naman ako, nasa kwarto pa rin siya. Bababa lang yun kapag kakain ng dinner. At kapag nagharap na kami sa lamesa, wala pa ring kibo. Pagtapos kumain, siya ang maghuhugas tapos akyat na naman ulit sa kwarto.
Ayoko na i-stress ang sarili ko sa alitan na ito, stress na rin ako sa school dahil nga sa malapit na ang pasahan ng second draft ng thesis namin. Kailangan daw iyon mapasa bago ang Christmas break. Kaya ito, late na rin ako nakakauwi ng bahay dahil sa library namin ginagawa ng mga groupmates ko. Ito na pala ang last week bago ang outing namin sa Batangas, sa December 19 iyon. Talagang sinakto sa first day ng Christmas break.
Biglang tumunog ang ringtone ng phone ko. Si Jus, tumatawag. Sinagot ko.
"Lu, saan ka na? Dismissal na." sabi niya.
"Kita na lang tayo sa ground." sabi ko. Binaba ko na phone ko. Di alam ng tropa na nandito na naman ako sa lounge, natutulog lang. Half-day lang naman kami ngayon kaya naisipan kong magskip na naman ng klase.
Pagdating sa ground floor, nakita ko na silang nag-aabang sa akin. Mukhang yayayain na naman ako ng mga 'to mag-nightout dahil nga Friday ngayon. Papalapit na ako sa kanila nang biglang sinalubong ako ni Queenie. "Luigi, may meeting daw tayo para sa thesis." sabi niya.
"Ngayon?" tanong ko.
"Oo daw." Shit. Why now?! Napatingin ako sa tropa. Nagsisignal nang umalis na raw kami. Paano to? Punyemas naman o-oh! Magdadahilan na sana ako nung...
"Cyrus!" boses ni Eva narinig ko. Napatingin ako kay Cyrus na nakatingin sa labas ng building. Sinundan ko rin ng tingin. Paglingon ko...si Eva nga. Nakaakbang na naman sa may entrance. Ano na naman ang ginagawa nya dito?
Lumapit si Cy sa kanya. Yung dalawa humiyaw pa. "May date kayo ni Eva?" tanong ni Alain.
"Oy, Cy! Paalam ka muna kay cousin." dugtong naman ni Jus. Walang kibo naman itong si Cy, dire-diretso lang papalapit kay Eva.
Kita ko silang nag-uusap sandali. Hanggang sa tumalikod na sila sa amin at naglakad papuntang parking. Shit. Saan sila pupunta? Napatingin ulit ako kila Jus at Alain na nagtataka rin. Nagkibit balikat ang dalawa. Are those two going out?!
BINABASA MO ANG
HE'S DATING HIS ANGEL ☺
FantasíaNang dahil sa paglabag sa batas ng Kalangitan, isang anghel ang mahuhulog sa lupa at mamumuhay ng NORMAL. WALANG ALAM SA ANO MANG BAGAY. WALANG PAMILYA. WALANG MEMORYA. Magmumukha siyang si "Eva". Upang makabalik sa langit, dapat siyang magtagumpay...