Our World

8 1 1
                                    

"Kanino na naman yang account, Dora?" Tanong ko sa kaibigan kong 'to. Pano ba naman kase andami nya ng account buti na nga lang at nakakabisado nya pa ito

"Sakin yan Kitty! Sabi ko naman sayo gumawa ka ng rp account mo para naman hindi boring buhay mo" ani niya at nag-pi-pindot na naman sa kanyang mamahaling cellphone

"Susko Dora! Kung nag aaral ka na lang eh di mas mabuti pa" sabi ko at ipinagpatuloy ang paggagawa ng mga essays

"Ay nako bahala ka basta ako sinabihan kita, pag pumasok ka sa RPW (role play world) hindi ka magsisisi" may tonong nakapanghihikayat na sabi nya

"Bahala ka diyan Dora basta ako mag aaral na lang" ani ko at tinalikuran na lamang sya

Nakaka curious man ay ipinagpatuloy ko na lang ang pagsusulat mawawala rin naman ito maya-maya.

Ngunit dahil sa kyuryusidad ay nag online ako sa aking nag iisang account at napag isip-isip na gumawa ng rp account. Marunong kaya ako!

First of all, marunong ako gumawa ng rp account kase nakita ko sa mga post ng best friend ko kung paano ito gawin ang hindi ko lang alam is kung anong meron sa rpw

Yan tapos na! Pwede na nila ko maadd btw ang pangalan ko nga pala sa rpw ay 'Zarnaih Marchessa' ang kyut no?

/anong story? He's into her by maxinejiji/

Grabe andami agad nag a-add sakin ang ganda kase ng dp ko eh ^ _ ^

"Sabi na nga ba ehhh ano nacurious ka no?" Nagulat ako ng may biglang sumulpot sa harapan ko, si Dora.

"Hindi, tinry ko lang no" ani ko at nilalayo ang tingin sa kanya

"Wehh? In denial ka lang eh HAHAHAHA alam mo na ba gagawin dyan?" Mapangasar na tanong nya

"H-hindi e-eh" nahihiyang sagot ko

"Tuturuan kita pero ilibre mo muna ko ng fries sa canteen" ani nya at hinatak ako patayo

"Oo na!"

*after 20 minutes*

Tinuro na nga sa akin ni Dora kung ano ano ang dapat gawin sa rp acc ko.

Step 1: Umarteng ako talaga si Zarnaih Marchessa ng He's into her
Step 2: Mag hanap ng SH (sisterhood) parang GC daw ganon
Step 3: kung gusto ko daw ng ka rs (relationship) mag hanap ako ng mala Lee Roi Gozon
Step 4: Bawal mahulog pag nahulog ka talo ka
Step 5: Lagi mong tandaan na nasa fake world ka

Feeling ko gets ko naman lahat eh basta lagi ko lang isipin na nasa fake world ako, walang totoo.

Nagulat ako ng biglang may lumabas sa message ko

Lee Roi Gozon sent a message

Shet! Bat parang mauuna pa ang rs? Haha landi ko charr

👨: Hi
👩: hellooooo
👨: Hi din
👩: hello nga paulit ulit? Stop me

Kuhang kuha ko talaga si Zarnaih ^ _ ^
👨: sorry na haha
👩: okieee
👨: newbie ka?
👩: hmm
👨: goodluck!

Si Lee Roi Gozon ba to? Parang bakla eh psh

'Fake world...'

Oo nga pala

Omb! Science time na pala may seating arrangement na naman nag log out muna ko sa rp account ko at lumipat na sa pogi este sa katabi kong laging seryoso btw transferee sya.

"Hi!" Pag bati ko sakanya
"Hellooooo" nabobored na sabi nya
"Hi" pag ulit ko pa
"Hello nga paulit ulit psh" pabulong na sabi nya

Eh? Ganto usapan ng nakachat ko kanina ah? Aish pekeng mundo nga naman oh

Our WorldWhere stories live. Discover now