Photo cover courtesy of 123RF.com
Prologue
Itago natin siya sa pangalang "James", ipinanganak noong December 6, 1989 sa bayan ng Maynila sa Hospital ng isa sa mga sikat na paaralan sa Pilipinas, ang Santo Tomas University. Anak ng isang mahirap na pamilya at nanirahan noong 1990 hanggang 1992 sa barangay Tatalon. Si James ay panganay na anak sa tatlong anak ng mag-asawang tubong mindanao. Sila ay lumipat ng tirahan noong 1993 sa bayan ng Quezon City sa barangay Culiat sa kahabaan ng tandang sora avenue. Lumaki siyang tahimik at simpleng bata sa masayang kumonidad ng barangay Culiat at nag-aral ng elementarya sa Culiat Elementary School. Laging nabubully at inaapi ng mga kaklase at hindi madalas makipag-usap sa mga tao.
Tayo na't basahin ang love story ni James....
"...Una ko siyang nakita nang siya ay bumili ng 1/4 na asukal sa aming tindahan! Napakaganda niya, maaliwalas ang mukha, payak at napakagaan sa pakiramdam ang kanyang boses!"
1998, isang tahimik na gabi, si James ay nagbabantay ng tindahan habang nanonood ng tv. Di inaasahang makikita ni James sa unang pagkakataon ang babaeng magpapabago sa kanyang buhay.
Si "Anne", simple, tahimik, maganda at mahinhin.
Anne: Pabili po!
James: Ano iyon?
At biglang tumigil ang mundo ni James nang makita niya ang mga maniningning na mata ni Anne.
James: aahh.. aa.. ano ang bibilhin mo po?
Anne: Pabili nga po ng asukal na 1/4!
James: Asukal? Ahh sige tignan ko kung mayroon!
James: Wala po kaming asukal na 1/4 eh!
Anne: Sige po salamat nalang!
Habang papalayo na si Anne, hindi magkandaumayaw sa pag-masid si James!
James: Sayang! Ni hindi ko manlang siya nabigyan ng hinahanap niya!
Tinamaan agad ng kakaibang pakiramdam ang ating binatang si James. Ang gabing iyon ay hindi malilimutan ni James. Isang kakaibang pakiramdam at karanasan para kay James na
fall in-love sa isang babae at higit sa lahat, magandang babae.
Hating gabi ng gabi ring iyon ay nagsara na ng tindahan ang nanay ni James at siya ay patutulog na. Ikinwento ni James ang kanyang karanasan ng gabing iyon sa kanyang pinsan.
James: Alam mo kuya! May magandang babae na bumili kanina!
Pinsan: Huh! Talaga? Naitanong mo ba kung ano ang pangalan niya? Nagpakilala kaba?
James: Hindi eh! "Nakakahiya kasi"!
Pinsan: Hay nako! Ang hina mo talaga! Dapat tinanong mo kung ano ang pangalan niya at dapat nagpakilala ka kaagad!
James: Eeehh.. Kasi baka may boyfriend na iyon! Maganda siya eh!
Pinsan: Boyfriend lang naman diba! Malay mo wala!? At saka, hindi naman masamang magpakilala at makipag kaibigan!
James: Ka-ibigan?
Pinsan: hehe! Pwede rin ka ibigan!
James: Ang ganda niya kuya! Parang ibang iba siya!
Pinsan: Walang mangyayari kung hanggang imahinasyon kanalang James!
James: Sana isang araw mag kakilala kami at maging kaibigan ko siya!
BINABASA MO ANG
The Rainy Days Chapter I
RomanceTayo na't basahin ang kwento ng buhay pag-ibig ng isang lalaki na nagtataglay ng bukodtanging puso. Isang lalaking nangarap na magkaroon ng normal na pamumuhay gaya ng nakararami, ngunit laging nabibigo at nasasawi. Tunghayan ang mga kabanata ng ka...