FY-IV

24 1 0
                                    

Chapter 4

Sabihin mo lang

Dumeretso ako ng mall pagkatapos ko sa Viva films. I am actually bothered by Limwell but maybe hindi niya naman ako guguluhin diba?

Pumasok ako ng National Bookstore para bilhin ang mga kaylangan ko sa project ko. After that, I went straight home.

Naabutan ko si Prixy sa sala na nanonood ng Bleach. Isip bata talaga siya.

"Ang aga mo ah?" aniya pero ang tingin niya ay nasa tv parin.

"Yea. Guess what?" sabi ko sabay upo sa tabi nito.

"Tao ba? Hot? Gwapo?"

Humarap siya sakin na kumukinang kinang pa ang mata nito.

"Gaga! Si Limwell kase.." pano ko ba to sasabihin? Sasabihin ko bang parang na'curious siya saken?

"Limwell? Si LIMWELL? NAPANO?!" parang di mapatae o ano sa upuan na sabi nito.

"Wag mo nga akong sigawan. Si Limwell Escuetta ang tinutukoy ko hindi si Limwell Napano." sabi ko dito sabay nguso.

"Ha.Ha.Ha. Humor me, lys!" psh.

Pagdating talaga sa lalaki lalo na kay Limwell and Mike ang hyper ng babaeng 'to.

"Nakasalubong ko sa Viva." patuloy ko.

"Tapos?" parang kiti kiti na tanong niya.

"Nakasakay ko sa elevator." dugtong ko.

"What? Galing nitong mambitin?! Tapos.. tapos?" sabay yugyog sa balikat ko

Bumuntong hininga ako, "Wala. Nakasakay ko lang."

"What? That's it?" Bumagsak ang balikat nito at umasim ang mukha.

"Lang kwenta, Lys! Psh." sabay balik sa panunuod.

Parang ayaw ko kasing sabihin sa kanya. Diba? Di naman sa threaten ako no? Nabo'bother kasi ako e. Kakainis naman oh!

"Akyat lang ako." paalam ko kay Prixy na masyadong engross sa panunuod.

"Magluto ka oy! Nagugutom nako e." pahabol nito.

Kaya instead na sa kwarto ako dumeretso ay sa kusina nako tumuloy. Alas dose pasado na pero di man lang nagsaing ang babaeng yun. I sighed. Pag nga naman spoiled oh.

I did what I have to do at pagkatapos dun ay tumuloy nako sa kwarto ko. Kinuha ko iyong pinamili ko at inumpisahang gawin ang project namin. After an hour ay natapos ko ito at bumaba na para kumain.

Nadatnan ko namang kumakain na si Prixy kaya linagpasan ko nalang siya at kumuha ng plato pagkatapos ay tumabi sa kanya. I cooked adobo for lunch, you know? Favorite naman 'to ni Prixy e.

"Kanino ka kase natutong magluto?" tanong niya sabay nguya.

"I enrolled in a Culinary school last vacation." I answered.

"Ang daya mo talaga, no?" then she pouted her pouty lips. "Bat di moko inaya?! tss."

I smiled," I did. But remember what you told me back then? 'No thanks. You cook, I eat. Bye.'" Yung smile ko naging mahinhin na tawa na. That was just really epic.

Nanlalaki naman ang mata niya sa sinabi ko na parang hindi makapaniwala.

"I what? Oy.. oy! Wala akong matandaang sinabi ko yun." pagtanggi niya.

Fix YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon