Kinabukasan agad akong gumising at naglinis ng buong bahay nila tita Ellyn paano eh napaka kalat kaya napaka dami ng daga dito! simula nung mawalan ako ng pamalengke madalas si tita Ellyn na ang namamalengke.
"Setong! halika na papasok na tayo!" dinaanan ako ni Jeo.
"Hindi na muna ko papasok...baka bukas na"
"Bakit naman?"
"Tinatamad ako isa pa gabundok nanaman ang lalabahan ko"
"Paano kung hanapin ka ng crown prince?"
"Hindi yun pupunta sa restaurant madami yung ginagawa"
"Ganun ba eh paano pag hinanap ka?"
"Hindi nga ko hahanapin! sabihin mo may pinuntahan hindi mo alam"
"Eh bakit ba ayaw mo pumasok?"
"Tinatamad ako! kailangan ko naman ng oras para sa sarili ko"
"Edi hindi na din ako papasok"
"Jeo...pumasok ka na sige ka malulungkot si Ayah" pang aasar ko kay Jeo.
"Nako Setong! basta bukas papasok ka ah!"
"Hmm sige...sige umalis ka na ma-late ka pa alis na dali"
"Papasok ka bukas ha!"
"Kulit oh! ingat ba-bye!"
Nang makaalis si Jeo mag isa nalang ako sa bahay...pumapasok kasi ang mga pinsan ko sa pamantasan tapos si tita Ellyn ay namalengke kaya aloner nanaman ako dito...matapos kung maglinis at magligpet pumunta na ko sa likod bahay para maglaba.
"Hayss ang hirap talaga ng ganitong buhay!" kinausap ko ang aking sarili tapos kumanta kanta...
"Maganda pala ang boses mo"
"Jeo hindi ba sabi ko pumaso......" paglingon ko nagulat ako O____O!!!! hindi pala siya si Jeo...
"A-anung ginagawa mo dito? hindi ba't sabi ko sayo na wag ka pupunta dito? anu nalang kung may makakita at makakilala sayo? Paano ka nakapasok?" sampit ko.
"Ordinaryong sasakyan lang ang dala ko saka kaya nga nakashades ako di ba? bukas ang gate niyo kaya pumasok na ko...mukang mag isa ka lang dapat sinasara mo ang mga pinto paano nalang kung manakawan kayo?" sagot ni Jharo
"Eh ano naman sayo kung manakawan kami? isa pa wala naman silang mananakaw dito! hindi naman mala palasyo ang bahay namin para pagnakawan!"
"Galit ka pa din hindi ba?"
"Bakit naman ako magagalit? obligasyon ko bang pagalitan ka?"
"Setong...gusto ko sanang humingi ng sorry sa mga sinabi ko sayo kagabi...gaya nga ng sinabi mo kagabi galit lang ako kaya ganun nalang ako makasalita"
"Wow! totoo ba tong nakikita ko? ang super demon prince marunong mag sorry? sinadya mo ko dito para diyan? hindi yata ko makapaniwala"
"Sorry na nga diba!" nagulat ako ng kinorner niya ko sa pader....hala sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa....
O____O!!!! naputol yata ang dila ko hindi din ako makagalaw...palapit siya ng palapit saakin hindi ako makahinga...napapikit nalang ako ^__^!!
"Bakit nga pala hindi ka pumasok? may pasok ka hindi ba?" sabi niya ng may halung ngiti sa mukha niya bwisit naman! akala ko kung anu na!
"Lumayo ka nga saakin!" bahagyang tinulak ko siya.
BINABASA MO ANG
Searching the Casanova's Prince
Novela JuvenilNot everything will stay, Even some memories will fade away. But you are the one who will choose your way. It's either facing the nightmare of the past or accepting the present and move forward. Indeed, everything is hard... But the search is not ov...