Uumpisan ko sa pagsabi ng mahal kita
Dahil sa umpisa palang talagang mahal na kita
Sana magustuhan mo ang aking gawa
Inipon ang mga salita na magkakatugma
Pinagsamasama ang pagkakatunog sa paglikha
Ibinuhos ang damdamin ng makatang may akda
Ito ay isang obra na tinatawag niyang tulaDi man ako tulad ng iyong mga manliligaw
Na may pabulaklak at tsokolate para sayo araw araw
Ako nama'y gagawa ng tula
Para maramdaman mong sakin ay importante kaMga mamahaling gamit ika'y kanilang bibigyan
Dadaanin ang lahat sa kanilang yaman
Paano naman akong mahirap lang?
Mga mamahaling gamit di kita mabibigyan
Pero huwag kang magalala, aking ipaparamdam
Ang pagibig ko sayo sa kakaibang paraanAraw araw bibigyan ka ng tula
Galing sa puso na ako ang may akda
Iipunin ang mga salita
Bubuuin para lamang tumugma
Pagsamsamahin para maging tula
Iaalay sayo binibining kay gandaIkay pagsisilbihan
Hinding hindi ka mapapagod at masasaktan
Ako na ang sa lahat ang bahala
Umupo ka lang diyan aking prinsesa
Mga masasarap na pagkain ipagluluto kita
Pati mga damit natin ako na rin ang maglalabaGanyan kita kamahal sinta
Gagawin ko ang lahat kahit wala akong pera
Wagas kong pagibig ang iaalay para ika'y maging masaya
Habambuhay sinta mamahalin kitaSana ako ang iyong piliin
Pangako ikaw lang ang iibigin
Mga bitwin susungkitin
Ang nais mo aking susundin
Ako sayo'y magpapaalipin
Hanggang kamatayan ika'y mamahalin
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan