Sana ako na lang

239 3 0
                                    

Sana ako nalang

Ang dami ng oras na nasayang
Mga paghihirap ko na binalewala mo lamang
Mahal kailan mo ba ako mapapansin?
Kailan mo ba makikita na sayo ako may lihim na pagtingin?

Siguro nga dimo talaga ako makikita
Dahil kahit anong gawin ko sa puso't isip mo ay sya
Siya at hindi ako
Siya parin ang mahal mo kahit ilang beses ka na nyang linoko

Bat di nalang ako gayu'y minamahal ka ng totoo?
Lahat handa kong gawin para sayo
Lahat ng gusto mo ibibigay kung yun ang gusto mo

Samantalang siya
Siya na wala namang ginawa
Walang ibang ginawa kundi lokohin ka
Kundi saktan ka

Halos lahat ginawa mo na para sa kanya
Pero anong isinukli nya?
Diba iniwan ka lang nyang mag isa
Iniwan kang luhaan
Iniwan kang sugatan

Pero bakit ganun?
Siya parin ang mahal mo
Bat di nalang ako?
Ako na hindi ka sasaktan
Ako na hindi ka pababayaan
Ako na hindi ka iiwan

Sana ako nalang huwag na siya
Sana ibaling mo na sakin ang pagmamahal mo sa kanya
Gusto ko lang naman na maging masaya ka
Na gumanda muli ang iyong mga mata at dina muling luluha pa

Pero bakit sya parin?
Siya parin at hindi ako
Sadyang kay daya talaga ng mundo
Binabasura ng iba ang siyang pinapangarap ko

Pero kahit sya parin ang iyong nasa puso
Nandito lang ako
Hindi ako mawawala sa tabi mo
Maghihintay ako para sayo

Pilit ka parin hahabulin kahit hinahabol mo siya
Siya na tinatakbuhan ka
Malay mo baka mapagod ka sa kakahabol sa kanya
Tumigil ka at maaabutan kita

Sana sa huli maging masaya ka na
Sana sa huli tayo nang dalawa
Sana sa huli hindi na siya
Sana sa huli ako na

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon