Kung babalik ka, hindi na kita tatanggapin pa
Kung babalik ka hindi na kita tatanggapin pa
Hindi sa hindi kana mahal kundi sa ako'y pagod na
Mahal kita kaya ayoko ng bumalik ka pa
Mahal kita pero ayoko ng tanggapin ka paMalalim na kasi
Mukhang ang sugat nakarating na sa sukdulan
Mga sugat na dito sa puso ko namayani
Mga hiwa na nabubuo tuwing ako'y iyong sinasaktanMga pagsisinungaling at pagloloko
Mga sakit na ngayon lang naramdaman
Yang ang mga tiniis ko nung mayroon pang ikaw at ako
Handa akong masaktan basta makasama ka lamangPero mukhang dumating na din ang aking limitasyon
Sobrang dami na kasi ng sugat na naroon
Pag itutuloy ko pa mukhang ako'y mamatay na
Wala na kasing paglalagyan ng mga panibagong sugat dahil itoy puno naKaya kung babalik ka hindi na kita tatanggapin pa
Mahal kita pero tama na
Puso ko na ang nagsasabing ayoko ko na
Ayoko na ring ako'y saktan mo pa
Kaya siguro nga tama na

BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoesiaFilipino poetry at pinaghuhugutan