Bakit ikaw ang gusto ko?
Bakit ikaw ang iniisip ko?
Bakit ikaw ang nasa puso ko?
Bakit ikaw ang mahal ko?
Bakit ikaw ang gusto ko kahit balewala
lang ako sayo?
Bakit ikaw ang gusto ko kahit di mo ako
pinapansin kahit nandyan na ako sa
harap mo?
Bakit ikaw ang gusto ko kahit dimo
naaappreciate lahat ng effort ko?
Bakit ikaw ang gusto ko kahit hindi mo
ako gusto?
Bakit ikaw ang iniisip ko kahit di naman
tayo magkasama?
Bakit ikaw ang iniisip ko pag may
maganda akong mga nakikita?
Bakit ikaw ang iniisip ko sa pagpikit
hanggang sa pagmulat ng aking mga
mata?
Bakit ikaw ang iniisip ko kahit hindi ako
yung nasa isip mo at ang iyong nais
makita?
Bakit ikaw ang minahal sa dami ng babae
sa buong mundo?
Bakit ikaw ang minahal kung hanggang
kaibigan lang talaga ang kaya mong
ibigay sa tulad ko?
Bakit ikaw ang minahal kahit iba yung
mahal mo?
Di kita sinisisi sa mga nangyayari sakin.
Marahil itoy kasalanan ko rin
Gusto ko lang talagang ilabas ang mga
sakit sa aking damdamin
Na maaring sumabog pag itoy patuloy
kong kinimkim
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan