Sa sikat ng araw sa bintana napabangon ako sa pagkakahiga, bumaba sa kuwarto upang maligo, kumain at mag skateboard ng mga tropa ko.
"Hoy Stella! San ka pupunta at ang aga-aga pa, magsiskateboard ka ba na naman. Wala kang maitulong samin ng tatay mo puro barkada yang inaatupag mo at hindi ka ba naaawa sa tatay mo? Puro ka barkada, paano yung pag-aaral mo? Hoy! tandaan mo hampaslupa lang tayo kaya wag kang tatamad-tamad. Lintik kang bata ka!" sigaw ng nanay kong nagyoyosi habang naglalaro ng baraha.
"Hoy nay! Kung maka mura ka parang akala mo kung sino kang huwaran. Isinusugal mo nga yung perang pantustos sa pang-araw araw na binibigay sayo ni tatay, Eh kayo naaawa ba? Atleast ako di ko kaylangan ng pera galing kay tatay kasi nagraraket naman ako, ako lang naman ang bumubuhay sa sarili ko kasi walang pake kayo! Tingnan mo nga yung mga kapatid ko parang mga yagit sa bangketa, nagugutom at nagkakasakit na, kayo may pa make-up make-up pa. Josko naman nay ayusin mo nga, wala kang kwenta!"sagot ko sa abnormal kong nanay.
"Hoy kung maka sagot ka sakin akala mo kung sino! Umalis ka na ng bahay! Lumayas ka!"sagot ni nanay.
"Tang-ina ka letse aalis na nga ako! Hoy Makoy, alagaan mo kapatid mo. Baka magkapera ako mamaya, bibilhan ko kayo ng barbeque kay Aling Susan. Sige na maligo kayo ha!" sambit ko sa kapatid kong lalaki.
"Sige ate, babay! Love you po!Ingat!" sagot ni Makoy sakin.By the way, ako pala si Stella Santiago. Medyo boyish ako, yung pamilya ko sobrang maingay dahil sa sagutan namin ni nanay. Habang naglalakad dala ang skatebord ko nakita ko yung mga kaaway ko. Naka ayos ng off shoulder at maiksi yung short at may pa liptint pa, parang manyak.
"Guys tingnan niyo naman kung sino yung naglalakad, she looks coward today huh? Yuck! dala niya naman yung pangit niyang skateboard kawawa naman." sabi ni Mellisa.
"Baka ibebenta niya ang skateboard niya para sa mga yagit yung mga kapatid niya at nanghihingi lang ng pera sa bangketa. Eww!" sabi naman ni Pamella.
"Guys! huwag niyo nang bullihin at baka dumating ang mga tropa niyang kambing. Hahahaha" sabi din naman ni Jocie.
Dali-dali akong pumunta sa kanila.
"Pak-pak-pak"
"Oh ayan mabuti at sampal lang ang inabot niyo sakin. Hoy! Kayo ha maka asta kayo feeling niyo kayo ang may-ari ng buhay ko. Mahiya nga kayo sa sarili niyo para kasi kayong manyak, makasuot ng damit yung maiksi pa tapos kung marape kayo sino yung maysala hah? yung nagrape sa inyo, hindi kasi kayo lang naman yung nagbibigay motibo. Ang lalandi niyo! Pag nakita ko kayong tatlo ulit ipabubugbog ko kayo sa mga tropa ko. Piliin niyo ang kinakalaban niyo, nananahimik lang ako pero kaya kong sirain yang pagmumukha niyo, hoy wag ako!" sagot ko sa tatlong babae."Tara na guys umalis na tayo! F*u Stella!" sagot sakin ng lider nilang si Mellisa.
"F*u too! Stay away from me mga malalandi!" sagot ko sa kanila.
"Akala nila huh? Kung sinong mga malalandi. One point for Stella!" bulong ko sa sarili ko.
Papunta na pala sakin ang mga tropa ko.
"Oy congrats Idol! Ikaw talaga ang Idol namin. Ang tapang mo ha, tara may raket na naman tayo daw sabi ni Mader bakla."pagmamalaking sambit ni Ian sakin.
"Tenkyu pards! Eh ganun lang yun sus walang mang-aapi sakin at sa atin. Oh anu na puntahan na natin sa bakla. " sagot ko sa kay Ian.
Si Ian Sepida o pala yung da bes na skateboarder saming tropa. Si Mader Bakla ay si Erik Vasqueda o sa gabi si Erika Diosa ang taga bigay raket saming tropa. Si Elly Ramos o ang Financer ang richkid saming tropa. Si Kharl Mervega ang matalino saming tropa. Si Timothy Navarde o si Commander ang lider ng tropa. At si bespren kong si Dareen Castellano ang babaeng mahilig sa Kpop pero sa mga babae lang kasi medyo boyish din.
YOU ARE READING
Maldita's Revenge
RomanceStuborn Maldita Girl wants a revenge. You should respect her, if not you will experience the hell. Pero pag nagbalik ang bestfriend niya babaguhin ba niya ang ugali niya?