Chapter 5:Balat

44 7 0
                                    

Sapphira Pov!

 Tinitingnan ko sa salamin ang aking suot na damit natutuwa lang ako dahil pareho lang sa mundo ng tao ang mga kasuotan ang pinagkaiba lang medyo mahaba ang kanilang  isinusuot na pambaba na kasuotan Inipit ko ang aking buhok dahil medyo mainit sa bahay.nagpapalit ako ng damit ng biglang bumukas ang pinto.

"Ay patawad Sapphira nagbibihis ka pala."

"Ngumiti ako at sinabing akala ko po kung sino na ang pumasok sa  loob."

"Sapphira kung iyong mararapatin pwede ka bang tumalikod."kahit naguguluhan tumalikod nalang ako gaya ng sinabi niya.

" Ang iyong balat"naalala ko ang aking balat na nasa aking batok.dati ko pa ito tinatong sa kanila inay at itay ngunit di nila ito sinasagot.kaya naglakas loob nalang ako tanungin kay lola kung ano ba ang nasa aking batok.

"Lola ano po meron sa aking balat." Tanong ko sakanya.

"Ikaw ..ikaw ang tagapagmana ngunit hindi dahil bihag ngayun si Princessa Aliya".

" nagkakamali po ata kayo lola Amelia gaya po ng sabi niyo bihag ng mga bampira ang tagapagmana.sige po magbibihis lamang po ako.susunod na lang po ako sainyo mamaya."

Tumango naman siya at umalis na.nagbihis na ko ng damit at sandaling umupo sa aking higaan.nabuo nanaman ang tanong sa aking isipan.Kaya ba nila ako iniligtas kasi ako ang tagapagmana? paano?totoo kaya ang aking balat ay nanguguhulugan na ako ang tinakda? Ngunit hindi ang tagapagmana ay hawak ng mga bampira.tumayo nalang ako at tumabi kay Adiel na nakaupo sa upuan.busy siya sa paggawa ng kanyang mga assignment.tinitgnan ko siya kung ano ang kanyang ginagawa.

"Bakit ate Sapphira?"tanong niya sakin

" wala naman gusto mo bang tulungan kita?"

"Hindi na po ate kaya ko na po ang gawaing ito"sagot niya

" ohh sige basta kapag hindi mo maintindihan sabihin mo lang sakin ah"

"Salamat ate.." Tanging ngiti lang ang sinukli ko sakanya nakakatuwa na may tumatawag sakin na ate sa mundong ito.

Itutuloy..



















The Blue Blood Moon; Love vs. WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon