ONLY BHEST..:(

98 0 1
                                    

                                                       " bhest mahal kita... kahit alam ko na hindi pwede"

          Yan ang mga salita na pumasok sa isip ko simula noong mahalin ko ang bhest ko, siya nga pala ako pala si Joven, simple makulit charming at syempre magaling magbasketball........

....Nagsimula ang lahat ng ito noong first year ako. 

Magulo sa hallway noon, madaming nagsisigawan madaming nagkokopyahan ng assignment papasok na sana ako sa room noong umagang iyon ng biglang napatingin ako kay Gelly hindi ko pa masyadong kilala noon at sa unang tingin palang nakuha na niya ang atensiyon ko..

Joven:

" Ano kaya ang pangngalan nung babaeng naka puting jacket na nakatali ang buhok? Ang ganda niya tsk anu kaya pangngalan niya, kakainlove?"

Nang magrerecess na pinapila kami ng teacher namin sa hallway ng biglang...*****BOOM****** hayun siya first year din pala, sinabi ko sa sarili " Ang Ganda talaga niya "..................

*~~~~~~~~~ Noong uwian na, pagbaba ko sa hagdan nabunggo ko siya, nagsorry ako pero inirapan niya ako at sinabi na: Anu ba! ang kulit-kulit kasi kakainis!...sabi ko " Ouch! Ang taray naman pala neto para nabunggo lang iihh sayang ang ganda mo! tsk!..." at bigla siyang napangiti at umalis..........pero hindi niya alam kinuha ko na ang number niya sa kaibigan niyang si E.R......

                                        Pagdating ko sa bahay dali - dali ako sinave ko ang number niya sa phonebook ko na may contact name na " MS. MASUNGIT", tinext ko siya sabi ko .....Hi Miss Masungit sorry nga pala kanina ahhh hindi ko talaga sinasadya" .....bigla siyang nagreply **** HI sorry din kanina ahhh nairapan pa kita by the way ako nga pala si Gelly Nones..... sinabi ko naman ( Nakz pangngalan palang pamatay na ,,, Ako nga pala si Joven Lorenzo ang pinakagwapong lalaking makikilala mo...!! :) ) sabi niya sa akin : Ahahahaha over and confidence Joven? ..................... Nagkatext kami hanggang gabi at doon nagsimula ang pagiging malapit namin sa isa't isa at kalaunan naging mag bhest kami...

-                  Lumipas ang mga araw, lalo ko pa siyang nakilala lalo ko pang nakita ang mga magagandang katangian niya.. at hindi ko namalayan na na fafall na pala ako sa kanya...........

          Isang araw sinalubong na agad ako ni gelly , kala ko naman kung anu na at ata't na ata't na siya...

Gelly:

"Joven kilala mo ba ung lalaking un?"

Joven:

"Asan.?"

Gelly:

" Yung nakaupo sa may tabi ng pinto..."

Joven: 

" Ahhhh si Mac,,, bakit crush mo no..? "

Gelly:

" Ang cute niya no? "

Joven:

" ASUS! ghue papasok na ako sa room pumasok  ka na din (pero deep inside nasaktan ako) "

    Hapon na, pero simula kaninang nagkausap kami ni Gelly hindi ko siya pinapansin, tinanong niya ako kung ano ang problema sabi ko wala..... sabi niya itext mo nalang sa akin mamaya.........

  Pagkauwi ko sa bahay 30 messages na pala ang text ni Gelly sa akin pero ni isa sa kanila hindi ko nireplyan........." Ang tampuhin ko no! "

Kinabukasan inabangan niya na ako sa may 4th floor at sinabi sa akin

"Bhest ano ba ang problema mo? Hindi ka naman ganyan sa akin ahhh.. may ginawa ba akong masama? sabihin mo lang ayaw ko kasi ng ganito tayo..."

pero sabi ko " Wala ( sabay pasok sa room )"..........

Hanggang recess time kinukulit niya ako hanggang sa nasabihan ko siya ng " Wala nga tumigil ka nga!" nagwalk out siya dahil sa mga sinabi ko......" Ang ogag mo Joven mahal mo sinigawan mo! ang OGAG OGAG OGAG mo...!" 

    Kinahapunan tinetext ko siya nag sosorry ako pero d siya nag rereply sabi ko sa sarili " Ginawa mo na eh, panindigan mo na!" 

Kinabukasan may nablitaan ako, may nagsabi sa akin na nililigawan na daw ni Mac si Gelly nabigla ako sinabi ko nalang ahhh wala akong pake......

                                    Lumipas ang mga linggo at parang biglang nagunaw ang mundo ko nung nalaman kong sila na ni Mac, kunwari masaya ako para sa kanila pero sa loob parang dinudurog na ang puso ko, napaiyak nalang ako sa isang tabi at umubob.....Nakita ako ni gelly at sinabing

" Joven ayos ka lang bakita ka naiyak? "

sabi ko sa kanya 

" Wala to napuwing lang ako pumunta ka na dun baka hinihintay kana ni Mac "

Gelly 

" Yan ka nanaman ihhh d mo sa akin sinasabi yung totoo.."

Joven

" Lakad na wala to! "

Gelly

" Anu nga dali na "

Joven 

" Anu ba ang kulit mo ! Gusto mo malaman ang totoo?

Gelly

" OO anu ba talga ang rason mo? "

Joven

" Ang rason ko Ang rason ko kung bakit ako umiiyak ay dahil sayo dahil Mahal kita, mahal simula palang Bhest at alam kong mali dahil may gusto kang iba.. ngayon masaya kana? " at tumakbo ako papaalis...... Nabigla siya sa mga sinabi ko at parang hindi makapaniwala na mahal ko siya...

               Simula noon nagkaintindihan na kami ni bhest pero lagi ko parin sinasabi sa kanya na " Bhest mahal na mahal kita kahit may boyfriend kang tanga! "

********************THANKS for READING :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONLY BHEST..:(Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon