😎CHAPTER 28😎

3 0 0
                                    

***********************************
***********************************
YVETTE'S POV

"So kayo na?" Yun ang tumatak sa utak ko nang makita ko si Mian sa harapan namin.

"Dude, calm down" sabi Alex habang dahan-dahang nilapitan si Mian.

Di ko naman gusto si Mian pero naaawa din naman ako sa kanya. But I'd rather him be out of my life than be a part of it.

"Mian, let's talk this out" sabi ko sa kaniya pero biglang may kinuha siya sa back pocket niya at na-realize ko na baril pala ito. Dali-dali akong nagsalita " vatican cameos!" At tinakbuhan kung saan si Mian at hinablot ang baril niya at ginawan ng vulcan nerve pinch.

Pagtingin ko kay Ven at Alex ay nakadapa sila sa sahig. Nagulat si Alex sa nangyari at nilayuan niya si Ven na ikinatawa ko naman.

"Ano yun? Anong nangyari?" Naguguluhang tanong ni Alex sa amin.

"Vatican Cameos, means battle stations at kapag sinabi yun ni Yve ay either may baril or pumatay" pag-eexplain ni Lian kay Alex.

"Oh, nice gun desert eagle" sabi ko habang ine-examine yung baril ni Mian.

"Possessive talaga" nailing na sabi ni Ven habang tinignan si Mian na nakahandusay sa sahig.

*****

Lumipas ang ilang oras at gumising na rin si Mian, nagulat kami nang nagtangka siyang magwala pero di siya nagtagumpay dahil, nakatali siya sa upuan.

"Hey! sleeping beauty" mapang-asar na sabi ni Lian sa kanya at nilapit ang mukha niya na parang ewan, tumawa lang kami pero tahimik lang na nagmamasid si Alex.

"Tumahimik ka nga diyan Lian, kayo na nga yung nangloko, kayo pa yung may lakas na loob na ganyanin ako? Walang kwenta ka-" di natapos ang sinasabi niya dahil ang suntok ko ay lumanding sa mukha niya na naging sanhi upang dumugo yung bibig niya.

"Magbabayad ka sa ginawa mo, Yve. Kilala mo ako diba? Kaya kapag nakalaya ako dito, magbabayad ka, kayong lahat" sabi niya na ikinatawa ko lang.

"Okay but lets see you tr-" naputol ang sinasabi ni Ven nang biglang may nabasag sa itaas, dali-dali kaming pumunta doon at tinignan kung ano yung nabasag.

Bintana lang pala yung nabasag pero tinignan ko yung kwarto ay may nakita akong granada.

"Takbo!!" Sigaw ko at hinila sila papalabas ng kwarto at tamang-tama ay sumabog yung granada.

"Si Mian" paalala ni Alex sa akin at tumakbo kami kung saan naroroon si Mian pero pagdating namin ay wala na siya.

Sa upuan kung saan dapat naroon si Mian ay may nakalagay na sulat.

My dearest fiance,

Lets have a game, three strikes and your out, I'll have you and you only.

Love,

Mian<3

"Baliw talaga ang lahi ni Mian" natatawa kong sabi sa kanila.

"Wag kang mag-alala, nandito lang ako" sabi ni Alex sa akin.

"Alam ko" sabi ko.

******

Umalis ako papunta sa kompanya ng mother ko, di ko na sinama sina Ven at Lian dahil baka mag-aaway nanaman kami ng mother ko.

Nandito ako ngayon sa tapat ng mansyon niya at papasok palang nang may napansin akong may sumusunod sa akin mula kanina pa. Di ko nalang ito pinansin at pumasok sa mansyon.

"Mother, what do you want?" Tanong ko nang makapasok na ako sa living room ng mansyon.

"Nasaan si Mian?" Tanong niya sa akin.

"Ewan ko, baka pumunta na yun a U.S. ulit or something" sagot ko sa kaniya at umupo sa couch na nasa tapat niya.

"You will marry him" ma-owtoridad niyang sabi sa akin habang diretsong nakatingin.

"No mother, I don't want to" sabi ko habang tinignan siyang maigi.

"Is it because of that boy?" Tanong niya.

"It's because i don't like him" sagot ko sa tanong niya.

"You WILL marry him!" madiin niyang sabi sa akin at bigla nalang akong tinakpan ng panyo at nakatulog.

_DANGEROUS_MINDS_ (Continuation)Where stories live. Discover now