Heartprints - Chapter 2 Part 2

99 1 2
                                    

Chapter 2 - Part 2 

"  Anong Gusto mo? Blue or Purple?" Kung hindi ko lang to kilala,  aakalain ko siya na bading. Bakit? Ang weird niya kasi. 

" Ahh? Yung Blue? Para saan bat bibili ka nang Tshirt na plain Blue sa pangbabae? Kabibili mo lang kanina nung panglalaki?" Siguro may pagbibigyan to. Naku, hindi ko kasi siya natatanong kung sino ang napupusuan niya.

" Sige ito na lang blue para parehas nang kulay nung akin. Ang dami mong tanong. Hayaan mo na lang ako. Tara dun tayo! Papadesignan ko pa tong Shirts." Sabay lakad. Ang bilis nang lakad niya to the point na naiiwan niya na ko. Parang Baliw lang eh. Hinayaan ko na siya. Nakakita ako nang mauupuan malapit sa kinaroroonan niya, makapagpahinga muna dahil kanina pa kami umiikot dito. Nakapagtanghalian naman na kami. Nililingon naman niya ako at nagsesenyas na maghintay. Ano pa nga bang magagawa ko. Maya-maya may binunot siya sa may wallet niya oh well, magbabayad siguro na.

" Tara na." Sabi niya habang patuloy sa paglalakad, naiiwan na naman ako kaya hinabol ko siya. at hinawakan sa braso.

" Pwede dahan dahan sa paglalakad. Oh? Nasaan yung mga Shirts?" Wala kasi siyang dala.

"Nanduon, babalikan natin mamaya. Gusto mo mag Ice Skating tayo?" Oh-em, hindi ako marunong nun. 

"Ayoko. Kasi naman, hindi ko ata kaya." Sa totoo lang I never try it..

" Okey lang yan. Marunong ako. Tuturuan kita." Magandang pagkakataon to ah! Mukhang enjoy naman?

"Sige na nga. Pero ikaw magbabayad tutal ikaw ang nagyaya!" Ang mahal kaya. SAyang pera ko XD

"Oo na. Alam ko naman yun eh. Tara na" Naglakad na kami, malapit lang naman kaya sandali lang nakabili na kami at nakapasok na sa loob. Siya na nga ang nag tali nang lace nung sapatos na may blade. Pinagtitinginan nga kami nung grupo nang mga kabataan na kasing edad namin. Yung iba napapangiti yung iba naman parang ewan yung mukha? Hala? 

" Tapos na. Tara. Dun na tayo." Inalalayan niya ako papasok dun sa may skating place hindi ko alam ang tawag dun eh. Pero ang Cool nung mga bata, ang gagaling nila. 

" Wag mo kong bitawan ha! Baka matumba ako!" Kinakabahan kasi ako. Hindi kasi siya ganun kadaling gawin, yung kotrolin na hindi bumaksak.

" Marunong ka naman mag roller blade bakit takot ka. Madali mo lang yan matutunan. Hawak ka sakin mabuti." Napapangiting sabi niya. Nakakaasar to. Pinagkakatuwaan ata ako nito eh. Pero nakaharap siya sakin habang bumagalaw kami. Medyo kaya ko na siya nung tumagal naka bitaw na nga ako sa kanya pero yung tama lang hindi ko padin kaya yung mabilisan. 

" Fast learner ka ah! Ang galing mo, First time mo lang pero nakayanan mo na agad. Kaso, ang nagkagasgas ka sa kamay at braso mo." Sa daming beses kong natumba, nagasgas yung braso at kamay  ko sa may yelo.

" Ayos lang yan. Worth it naman magkasugat natuto naman ako!" Tumingin ako sa relo ko, hala 4pm na. Ang tagal na pala namin dito. 

" Uy, Uwi na tayo. 4pm na, mahaba pa ang byahe natin." Pagaaya ko naman sa kanya.

" Sige, pero kunin muna natin yung Shirts tapos bili tayo nang snacks para habang nagba-byahe tayo pauwi hindi tayo ma bore." Lumabas na kami, binalikan namin yung Shirts ayaw naman sakin pakita yung design nung pinagawa niya kaya hindi na ko nagkulit pa. Tapos bumili kami sa Starbucks nang KAPE! LOL. Tapos pumunta na kami sa Parking Lot.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HeartprintsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon