Chat

205 1 0
                                    



Eto kana naman
Ilang oras kana bang nakatitig sa kanyang pangalan?
Bat di mo ichat?
Natatakot ka bang ma-snob?

Ganto kasi yan
Ichat mo na para kumalma ka
Oh sige na i-chat mo na
"Hi crush"
Sending...
Sent...
Delivered...
Oh ayan na kumalma ka na
Seen
Oh ayan nakita na
Typing...
Ayos nagtatype na
Seen
Seenzone brad haha

Ang kapal ng face diba?
Sa dami ng nagchachat sayo inuuna mo siya
Tapos isi-seen ka lang niya
Akala mo maganda mukha namang pashnea

Dapat nga pasalamat pa siya
Sa daming nagkakagusto sayo pinipili mo siya
Pinili mo siya kahit di ka naman niya gusto
Wala ka namang magagawa kasi diba crush mo

Kaya dapat iblock mo na
Huwag mo na ulit hayaang iseen ka ulit nya
Tama na pagpapapansin
Alam mo namang kahit anong gawin mo hindi ka papansinin

Kaya tanggapin mo nalang na wala kang pag asa sa kanya
Online siya hindi para sayo kundi para sa iba
Kaya bes iblock mo na
Bes move on na

Kalimutan mo na siya
Dapat maglibang ka
Huwag kang magpakahibang
Dapat ay tumawa lang

"hi sorry late reply, crush din kita matagal na"
Weh di nga?
Nagreply ka ba talaga?
Sapakin niyo nga ako baka akoy nananaginip lang

*suntok sa mukha*
Aray
Totoo ngang nagreply ka
Akala ko seenzone na talaga
, late reply lang pala
Alam mo bang muntikan na kitang iblock pashnea ka
Pasalamat ka talaga dahil crush kita

Kaya ngayon humanda kana
Humanda ka sa aking mga hokage moves na dala
Tiyak ito'y magiging masaya
Humanda ka crush lalandiin na kita
Bwahahahahahaha

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon