Gagong tulad ko

126 1 0
                                    

GAGONG TULAD KO

Mahal kita
Dalawang salita na aking sinambit bago
ka tuluyang nawala
Umalis ka ng hindi mo nalalaman ang
aking nararamdaman
Pasensya na kung hindi ko agad ito
napakita at hindi ka pinahalagahan
Gulong gulo kasi ako nung una
Pero ngayon lahat sigurado ko na
Nung umiyak ka sa harap ko at sinasabi
mong mahal mo ako
Pakiramdam ko ang swerte ko naman sa
babaeng ito
Lahat ay gagawin nya para ako'y
mapasaya
Dahil ang dahilan nya ayaw nya akong
mawala
Pero anong ginawa ko
Sinaktan kita ng paulit ulit pero ikay
lumalaban parin kahit nagmumuka ka ng
tanga
Pero ang susunod mong sinabi ang sa
akin ay nagpaluha
Sabi mo "okay lang na magmukha akong
tanga basta sa akin huwag ka lang
mawala"
Napakaswerte ko naman talaga sa
babaeng to at gago na ako kung
papakawalan pa kita
Pero mahal Gago ako eh kasi
pinakawalan pa kita
Kampante kasi ako na kahit anong gawin
kong kasalan ay papatawarin mo ako
dahil mahal mo ako
Pero nagkamali ako
Hindi ko narealize na tao ka pa din
Taong lumuluha pag nasasaktan na
Taong napapagod pag nasasaktan na
Taong sumusuko pag nasasaktan at
pagod na
Patawarin mo ako kung ano man ang
aking nagawa
Patawarin mo ako kung hindi ko nakita
agad ang iyong halaga
Mahal patawarin mo ako sa mga sakit na
idinulot ko sayo
Mahal napakasakit din sakin lahat ng
nangyari na ako rin naman ang syang
dahilan
Mahal napakasakit at nananatiling
masakit para sakin ang iyong paglisan
Ako ang pinakanasasaktan mahal dahil
ako ang nawalan
Patawarin mo ako sa lahat pero mahal
babawiin ulit kita
Pangako kong mamahalin na kita at
hindi na muling sasaktan pa
Lahat ay gagawin ko para bumalik ka ulit
sa buhay ko
Gagawin ang lahat para sayo ng gagong
katulad ko

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon