Pasensya na

192 3 0
                                    

" Pasensya Na "

.
Kasalanan ba ang pagiging maitim?
Kasalanan ba ang pagiging pango?
Kasalanan ba ang pagiging mataba?
Kasalanan ba ang pagiging pandak?
Kasalanan ba ang pagiging pangit?
Nagiging tampulan nalang palagi ng tukso,
Inaasar nalang palagi ng mga tao,
Hinuhusgahan, Pinagtatawanan, Inaasar.
Sinasabihan ng mga masasakit na salita,
Sinasabi ko sa iyo tao ako,
May puso na nasasaktan.
Nakakaramdam ng sakit sa bawat salitang lumalabas sa inyong bibig!
Dinadaan sa tawa kahit gusto ng kumawala ang mga luha sa'king mga mata.
Tao ka rin pero bakit?
Bakit di mo nakikita na nasasaktan ako?
Nasasaktan ako sa bawat panglalait na binibitawan mo!
Tao ako, nasasaktan.
Panlabas na kaanyoan na ba ang basehan ngayon?
Kung maganda ka pupurihin ka,
Kung wala kang ganda lalaitin ka, bakit?
Itsura na ba ang basehan?
Pasensya na kung maitim ako,
Pasensya na kung pango ako,
Pasensya na kung mataba ako,
Pasensya na kung pandak ako,
Pasensya na kung pangit ako,
Pasensya na, di Kasi ako perpekto.

Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon