Spoken Word Poetry: "Hindi ko alam, basta mahal kita"
Hindi ko alam, basta mahal kita.
Hindi ko alam, bakit ikaw pa.
Hindi ko alam, bakit sayo pa.
Hindi ko alam, bakit ginusto ka.
Hindi ko alam, bakit biglang sumaya.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang biglang gustong makita.
Hindi ko alam, bakit ikaw ang pinili sa lahat ng dinami dami.
Hindi ko alam.
Ang alam ko lang, mahal kita.Mahal kita, oo mahal kita.
Mahal kita, oo gusto kita.
Kailangan ba may dahilan kung bakit nagustuhan kita?
Hindi dahil gwapo o maganda ka.
Hindi dahil alam kong may pera ka.
Hindi dahil alam kong sikat at habulin ka.
Pero dahil, yun ang tinibok ng puso ko bigla.Kailangan ko pa bang sabihin isa isa?
Wag na, maawa ka.
Baka hindi matapos itong tula dahil sa dami ng magagandang katangian mo na sayo ko lang nakita."Pero bakit nga?"
"Bakit ako?"
Sige, dahil mapilit ka,
Buksan mo ang 'yong tenga at pakinggan ang susunod na parte ng aking tula.Ikaw, oo ikaw.
Ikaw yung pinili kong mahalin
Kahit ang hirap mong abutin
Hindi dahil matangkad ka,
Pero sana wag mo 'kong maliitin.
Dahil ikaw,
Ikaw yung nagbigay ng dahilan para minsan mo akong pangitiin
At minsan mo akong mahalin.
Ikaw yung taong nagturo sakin
Kung paano ang aking sarili ay wag abusuhin.
Ikaw yung taong hindi tumingin
Sa lahat ng mali sakin,
Basta ang sabi mo, sapat ka na sakin.Ikaw, oo ikaw.
Ikaw yung taong nagparamdam sakin na kahit walang "tayo",
Basta mahal kita at mahal mo ako,
Magtatagal tayo, at walang magiging rason para tayo ay magkalayo.Kaya mahal,
Sa susunod na tatanungin mo ako,
Kung bakit ikaw ang minahal ko,
Kung bakit ikaw ang pinili ko,
Kung bakit ikaw ang hinawakan ko,
Kung bakit ikaw ang niyakap ko,
Kung bakit ikaw ang iniyakan ko,
Kung bakit ikaw ang dahilan ng pagsaya ko,
Ang isasagot ko lang ay "Hindi ko alam.."
"Hindi ko alam, basta mahal kita"
Walang eksaktong salita ang makakapagsabi
Kung gaano ka kahalaga,
Basta ang tatandaan mo,
"Mahal kita, yun ang mahalaga".
BINABASA MO ANG
Hugot Spoken Poetry (COMPLETED) Under Ukiyoto Publishing House
PoetryFilipino poetry at pinaghuhugutan