Aria Debatian
“Itong cheap na babaeng ‘to ang ipapalit mo sa akin?!” halos maghysterical na si Honey nang sabihin ni Dexter na ako ang babaeng gusto nito.
“Teka—”
“Oo, siya nga.” hindi ko natapos ang gusto kong sabihin nang higpitan pa ng fiancé ni Honey ang pagkakahawak niya sa aking balikat at isiksik pa ako sa bisig niya. Muntik pa akong mapasigaw sa gulat nang maramdaman ko ang mainit niyang hininga sa aking tainga. Bumulong siya sa akin. “Sakyan mo nalang muna ako. I‘ll properly apologize to you later.”
Nagtama ang aming paningin at nagsalubong ang pareho kong kilay nang kindatan niya ako. Hindi ko alam kung bakit kailangan niya pa akong idamay. Kung may lovers spat sila ni Honey, sila nalang ang mag-away. Dio mio.
But then again, hindi ko alam kung paano ko sasakyan ang sitwasyong ito. Itinikom ko nalang ang aking bibig at hinayaang si Dexter ang magtake ng lead. Baka kung ano pa ang masabi ko na magtutungo sa sarili kong kapahamakan.
“That‘s how it is, Gail. So please, give up on the engagement.” pangungumbinsi niya kay Honey.
Hinawakan ako ni Dexter sa aking kamay para hilahin ako paalis sa lugar na ‘yon ngunit pareho kaming napahinto sa paglalakad nang marinig namin ang pagsigaw ni Honey—
“Aria Debatian!”
—sa buo kong pangalan.
Isinigaw ni Honey ng buong lakas ang aking pangalan. Pinanlilisikan niya ako ng mata na para bang gusto niya na akong sugurin para sabunutan.
Dinuro niya ako at bigla akong napaatras. Ang haba ng kuko niya, muntik nang matusok ang mata ko. Dio mio.
“You’re gonna regret this. I’ll make your life a living hell! Tandaan mo ‘yan!” pagtataas niya ng boses sabay baling ng tingin sa lalaking katabi ko. “At ikaw naman! Heto ang para sa’yo.” bigla niyang sinuntok sa mukha si Dexter kaya ang loko, bumalandra sa sahig.
Nakatayo lang ako dito habang manghang-mangha sa ginawa ni Honey to the point na gusto ko nang sumipol.
Alam kong mayaman ang pamilya ni Honey kaya nakaukit na sa utak ko na basta babaeng mayaman, mahinhin kumilos. May class. May dignity. Hindi ko ine-expect na susuntukin niya ang fiancé niya.
“Honey Gail! Sinuntok mo ba talaga ako sa mukha?! Makakarating ‘to sa board! Mawawala ang pinakamalaking investors niyo!” pagbabanta ni Dexter kay Honey.
Nakaupo pa rin si Dexter sa sahig habang dinuduro si Honey at nakatakip ang kaliwa niyang kamay sa kanyang ilong dahil sa panununtok na ginawa ng fiancé niya.
Si Honey naman, nakatayo lang sa harapan ni Dexter with her I don't give a damn look.
“Don’t push your luck, Dexter. Ako ang kaisa-isang babaeng anak ng mga Yuchengco. Kahit na i-cancel niyo pa ang investment niyo sa pamilya namin, you’re still going to compensate us for calling off the engagement. And my price doesn’t come cheap. Ewan ko nalang kung ano ang mangyayari sa’yo kapag nalaman ni Uncle—no, ng Dad mo ang tungkol dito.” tinapunan kami ng nagbabantang tingin ni Honey. “Zhù nǐ hǎoyùn.” pahabol niya bago siya nag-walk out.
Hanudaw? Due ni Haoyun? Sino si Haoyun? Babae ba ‘yun? Manganganak? Huuuuh?
(A/N: Zhù nǐ hǎoyùn - Good Luck in Chinese.)
No’ng wala na sa paningin namin si Honey, tumingin ako kay Dexter na sige ang pagrereklamo dahil masakit daw ang suntok ni Honey.
Nilapitan ko siya at yumuko ng kaunti. Nilahad ko ang aking kamay para i-offer ang tulong ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Snow White and The Royal Council
Teen FictionAria Debatian-Ang Snow White ng Hillview Academy. Binansagan siya nito hindi dahil sa kahawig niya si Snow White na nasa fairytale; kun'di dahil sa puti niyang buhok. At sa mismong paaralan din na 'yon niya makikilala ang Seven Dwarfs ni Snow White...