Aria Debatian
"Listen up, Students. We'll draw lots to decide your group. And each group will take turns to get inside the Retreat House."
"Hahatiin namin kayo into twenty groups with seven members. Inside these boxes, may mga papel na nakasulat kung ano ang group number ninyo. Whether you're a Summercrest or Hillview student doesn't matter. Ang mahalaga ay makapag-interact kayo sa isa't-isa."
"Binayaran ng sponsor ng parehong school ang reservation natin sa buong lugar. Hindi rin kami nagset-up ng mga nakakatakot na bagay o paraan sa loob upang takutin kayo, so you can safely get scared and enjoy the thrill."
Masiglang wika ng babaeng Guro ng Summercrest at hinalo na ang laman ng box na hawak niya.
It's already 6 o'clock in the evening at lahat ng mga estudyanteng kasama sa Orientation Trip sa parehong paaralan, nagtipon sa harapan ng Retreat House para sa huling event; ang Test of Courage.
Hindi ko alam kung ano ang use ng event na ito pero siguro, gusto nilang makita kung paano namin ih-handle ang aming mga sarili o ang aming mga members kung sakaling makaramdam kami ng takot or kung may mag-panic man sa amin.
Apat ang mga Guro sa harapan na parehong may hawak na box. Ang pila namin ay nahahati sa apat. Dalawang pila sa mga babaeng estudyante at dalawang pila rin sa mga lalaking estudyante ng Summercrest at Hillview. Nataong katabi ng pila namin ang pila nila Kyle.
He suddenly lean closer to me. Sapat lang upang maabot ang tainga ko at may binulong sa akin, "Sana magkagrupo tayo." isang pilyong ngiti ang gumuhit sa kaniyang mukha.
"Sana—" sasagot na sana ako nang biglang sumulpot ang isang babae at pinulupot ang kaniyang braso sa braso ni Kyle.
"Kyle! I miss you!" masiglang wika nito sa matining na boses at masayang nakangiti.
Isang P.E tracksuit ng Summercrest ang suot ng babae. She's one head shorter than me. She's petite, medyo singkit ang mga mata, mahaba ang pilik-mata. At ang irises ng kaniyang mata, kulay itim ito na maaaring pagkamalang glass marble dahil sa linaw ng mga kinang nito. Nakatali rin into pigtails ang kaniyang kulot at maikling buhok. May kulay pink at lavender scrunchies pa siyang suot sa kaliwang pulso na polka dots ang disenyo. In all honesty, she’s cuter than me. Pero nasa side ako na maganda kaya ayos lang. Pero sino ang babaeng 'to?
Halos lumabas na ang mga mata ko sa lalagyan nito dahil sa aking nakikita. Masyado siyang malapit kay Kyle. At sinabi niya bang miss niya na si Kyle? Sino ba siya? Ngayon ko lang siya nakita. Bagong lipat ba siya sa Summercrest?
"L-Lilliana? Ano’ng ginagawa mo dito? Hindi ka naman isa sa mga Representatives, ah?" may halong pagka-ilang at gulat sa boses ni Kyle nang banggitin niya ang pangalan ng babae.
“Now, I am. I persuaded our Homeroom Adviser to change the line-up. But more importantly, I told you to call me Liana.” she leaned her head on Kyle’s shoulder with puffed cheeks. At mas lalo niya pang siniksik ang braso ni Kyle sa kaniyang dibdib.
Hm... I don’t feel so good. Hindi ko gusto ang aking nakikita.
"Uhh... Yeah. Sure. Pero hindi naman kailangang pumulupot ka sa akin para lang sabihin 'yan." pilit inalis ni Kyle ang pagkapulupot ni Lilliana sa kaniya na parang linta.
May point si Kyle. Unless, overly friendly lang talaga ang Lilliana na ito. Or...
Ngumisi si Lilliana.
Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko, ngunit nang makita ko na ipupulupot na naman ni Lilliana ang braso niya sa braso ni Kyle, buong pwersa kong hinila si Kyle sa kaniyang kaliwang braso. Dahilan para mag-mintis si Lilliana. Ultimo si Kyle, mukhang nabigla sa ginawa ko. Pero napalitan rin ang gulat niya ng isang ngiting panalo. Ugh. What’s gotten into me? Bakit ko ginawa ‘yon?!
BINABASA MO ANG
Snow White and The Royal Council
Teen FictionAria Debatian-Ang Snow White ng Hillview Academy. Binansagan siya nito hindi dahil sa kahawig niya si Snow White na nasa fairytale; kun'di dahil sa puti niyang buhok. At sa mismong paaralan din na 'yon niya makikilala ang Seven Dwarfs ni Snow White...