CHAPTER THIRTY- THREE

700 17 0
                                    

WHO WILL KILL ME?

Naglalakad ako papunta sa mansion si dale nandoon pa sa training hall kasi chinecheck niya pa yung mga taong napinsala

Lei , ella sino sila ? Lagi ko na lang papanaginipan yun ..Yung parola dito nakita ko na yun na pinuntahan ko pero wala akong maalala nung pumunta ako doon

"Hey"

"Ai, lei" sigaw ko

"Lei?" nagtatakang tanong ni Phil

"kilala mo si Lei?" tanong ko

"Sumama ka sa akin" sabi nito

Pumunta kami sa isang room kung saan nandoon ang 12 hades pero wala si Dale

"Phil anong ginagawa natin dito?" tanong ko

"anong nangyayari dito?" tanong ni Adrian

"Nagtatanong siya " sabi ni Phil sabay upo sa sofa

"ano yun ?" sabi ni Tyler

"Sino si lei ? Sino si Ella? Kilala niyo ba sila ?" tanong ko

Nagtinginan silang lahat

"nakakaalala ka na ?" tanong ni Rex

"Lagi silang nasa panaginip ko" sabi ko

"balak mo ba silang kilalanin?" tanong ni Adrian

"Kuya pwede na natin makasama sila mommy maalala niya na lahat" sabi ni Sid kay tyler

"Kuya? Magkapatid kayo? Teka naguguluhan ako anong secreto niyo ? Sino kayo?" tanong ko

"Phil bantayan mo ang pinto baka biglang dumating si Dale" sabi ni jay

"bakit si dale ? " tanong ko

"magkakasama kami 11 kami except si Dale . Kath , ikaw ang dahilan bakit nandito kami mula noong sinubukang ipapatay ng mama ni Dale si Elida isa isa kaming pinapunta dito ng hari at reyna namin" sabi ni Marvin

"Elida?" tanong ko

"May hindi alam si Dale tungkol kay Elida . Si Elida ay hindi si Elida siya si Elcey Steffanie Martinez . Kath yun ang totoong pangalan mo" sabi nito

"Elcey?Wala akong maintindihan ipaintindi niyo sa kin, hindi ko na alam kung sino na ba talaga ako?" naguguluhan ako sa mga sinasabi niya

"bago mamuno si Dale sa Hadria may hari at reyna na ito si King Lei at Queen Ella .  May isa silang anak na si Elcey Steffanie Martinez sila ang dahilan bakit nabuksan ang Hadria noon . Pero malaking digmaan muna ang nangyari bago nila nabuksan ang hadria .. Noong bata ka sinanay ka ng magulang mo na Elida ang pangalan mo kaya nung nagkakilala kayo ni Dale noon Elida ang alam niyang pangalan mo . Nung napilitan si Dale na baralin ka nun dahil sa mama niya . Nangamba ang hari at reyna kaya nung nailigtas ka nila sinaksakan ka nila ng Poison of Freedom tapos dinala ka nila sa mama at papa mo sa epriona . Matalik na kaibigan ni King Lei ang Papa mo kaya sila ang kumupkop sayo pero lagi ka nilang binabantayan . Alam nila lahat ng nangyayari sayo . Alam nilang dadalhin ka ng tadhana dito sa Hadria kaya inantay ka lang namin mapunta dito para bantayan ka at iligtas ka sa taong papatay sayo" sabi ni Rex

"who will kill me?" tanong ko

"Si Dale" sabi ni Adrian

Nagulat ako sa sinabi ni Adrian

"Hindi pwede yun mahal niya ako" sabi ko

"Ama ni Dale ang leader ng the Killers, the killers ang huling nakalaban ni King Lei at Queen Ella ama ni Dale ang dahilan ng pagkamatay ng madaming innocenteng tao dito sa hadria noon . At sa tingin ni Dale walang masamang ginawa ang ama niya ang kinalakihan niya na kwento ng buhay niya eh si King Lei at Queen Ella ang dahilan ng pagkamatay ng ama niya..At ikaw ang anak nila Kath .. Tingin mo mamahalin ka pa din niya pag nalaman niyang yung babaeng mahal niya eh ang anak ng mga taong pumatay sa ama niya" sabi ni Adrian

"Paano ako makakasigurado na mapagkakatiwalaan ko kayo?" tanong ko

"Sumama ka sa amin sa Highest Empire" sabi nito

Sobrang curious na ako gusto ko ng malaman kung anong nangyayari sa akin

"Pero" sabi ni adrian

"Pero ?" tanong ko

"Hindi ka pwedeng mag paalam kay Dale" sabi nito

"Bakit?" sabi ko

"Hindi ka niya papayagan . Kalaban ni Dale ang highest empire tingin mo papayagan ka niya hindi" sabi nito

Patawad patawad dale may gusto lang ako malaman

-------------------

Nailipat na ang mga tao sa maayos na lugar sa university . Medyo umaaraw na rin siguro malilipat sila pag napaayos na ni Dale yung mga bagong bahay

"Tara na" sabi ni Adrian

"sabihin niyo nga sa akin tama ba tong ginagawa ko" sabi ko sa kanila nasa loob kami ng Van

Panay na ang tawag sa akin ni Dale pero sabi nila wag daw sasagutin

Pagdating namin sa Highest Empire .puno ng mga armadong lalake oo tama nga sila siguradong walang kaya ang Hadria pag Highest Empire na ang sumugod

Pag pasok namin sa kaharian nila

Bumungad sa akin ang hari at reyna nila na naka upo sa mga trono nila

Biglang sumakit yung ulo ko .. Madaming memorya ang pumapasok

"Anak" sabi ng isang babae sabay yakap sa akin

"Ella?" tanong ko

"Oo ako si Carmella Del Fwente-Martinez ako ang mommy mo"

"ako si Lei Martinez ang daddy mo" sabi nila sabay yakap sa akin

"Iexplain niyo nga sa akin anong nangyayari dito naguguluhan na ako" sabi ko

"patawadin mo kami anak kailangan ka namin ng Poison of freedom  noong bata ka at ibinigay sa mga nakalakihan mong magulang sa Epriona . Pero anak ikaw man si Kathleen ikaw man si Elida o Ikaw man ang Elcey namin anak ka pa din namin lagi ka naming prinoprotektahan " sabi ni Queen Ella

"Bakit ? Paano?" tanong ko

"Nung sinunog ng Hadria ang Epriona alam namin na mapupunta ka sa Hadria . Matagal na namin naplano yuon dahil alam naming hahanapin mo ang pagkatao mo kaya simula bata ang 12 hades pinapunta na namin sila sa Hadria ang mission nila ay protektahan ka hangga't di mo pa kami naalala patuloy ka nilang proprotektahan" sabi ni Queen Ella

"12 hades ? Kasama si Dale" sabi ko

"Hindi si Dale ang anak ni Jerome ang kalaban namin noon . Si dale ang papatay sayo sa ngayon hindi mo nakikita pero pag nalaman niya na anak ka namin papatayin ka niya" sabi ni King Lei

"Hindi totoo yan" sabi ko

"Totoo ang sinasabi ko anak" sabi ni king Lei

Who Will Kill Me? Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon