Chapter 22- Akala

164 10 0
                                    


(Naomi's PoV)

Sa sumunod na mga araw na pags-stay ko dito wala namang nangyaring kakaiba

Bukod sa lagi na lang akong sinusungitan ni Trake kapag nakikita kami ni Liamna magkasama wala naman nang naganap na kawindang-windang

Natapos ang School Fest na hindi ko man lang nalibot lahat ng booth

Si Liam kasi inaya akong magboy-hunting

Tawa nga ako ng tawa kasi may pa 'pare-pare' pa syang nalalaman pero ang totoo iba na ang iniisip

Sa ngayon nakatunganga ako sa school cafeteria dahil tinakasan ko lang naman ang subject na Math. First subject pa man din yun

Psh. Yung kalbong butete kasi na teacher ko dun pinagiinitan ako. Lagi akong pinagre-recite!

At dahil sawa na ako nag-cutting ako! \(^0^)/

Kawawa nga sila Xander at Trake dun sa teacher na yun kasi lagi rin silang tinatawag


Tumayo na ako at lumabas sa para maggala

Sa kakaikot ko napadpad ako sa college dept.


Naglakad-lakad pa ako. Mas maraming buildings dito kesa sa department namin

At dahil nga maraming buildings.....Naligaw ako!


Ano nang gagawin ko?!


Dahil pagod na rin naman akong maglakad ng maglakad naupo na lang ako sa damo sa likod ng isang building

Dinalaw ako ng antok kaya napagpasyahan ko munang humiga at matulog

Hindi naman nagtagal at nakatulog ako



Maya-maya naalimpungatan ako dahil sa mga ingay na naririnig ko

Bumangon ako at tinignan kung anong oras na



12:00 na pala

ANO?! 12:00 NA?!


Eh kanina pa akong umaga dito ibig sabihin nag-skip ako sa lahat ng klase ko ngayong umaga?

Hay Naomi! Baka! (stupid)

Napalingon ako sa kanan ko nang may marinig akong mga yabag

Nakita ko si Trake na tumatakbo papunta sa direksyon ko kaya tumayo ako at inayos ang sarili ko

Nagulat na lang ako nang makalapit sya sakin ay bigla nya akong kinabig sa isang yakap


"T-Trake--! A-Anong ginagawa mo dito?"


Hindi ako makapagsalita ng ayos dahil may kakaiba sa pakiramdam ko

Feeling ko may something sa tummy ko eh. Hindi kaya natatae ako?


"Kung saan-saan ka nagpupunta. Alam mo bang kanina pa ako nag-aalala sayo?! Paano kapag napagtripan ka ng mga college students dito?!"tanong nya nang kumawala sya sa yakap

My name is Naomi TachibanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon