Masaya akong nakangiti sa daan habang papunta sa isang tulay. Di kalayuan dito ang ilang establishment. Mga nagkalat na nagtitinda at iba't-iba pa.
Hindi ako masaya.
Sobrang lungkot ko.
Gusto ko ng mamatay.
Gusto ko ng mawalan ng pakiramdam.
Sa lahat na lang kasi ng yugto ng buhay ko kahit kailan man hindi ako naging masaya. Kahit isang minuto, segundo pakiramdam ko nandoon yung problema.
Isang taon na ng mamatay si mommy and daddy. Mamatay ko pa kung namatay lang sila dahil sa isang aksidente. Pero ang masakit. Pinaty sila.
Pinatay sila at pinagbintangan.
Pinatay sila ng sarili kong lolo. Ang ama ng daddy ko. Pinagbintangan silang nagnakaw ng pera sa kumpanya at pinagbintangang nagtangkang pumatay kay lolo.
Ang sama niya. Ang sama sama ni lolo. Gusto kong gumanti. Pero para saan pa lalo ko lang madadagdagan ang kasalanan ko. Lalong ngayong araw na ito, sa ganap na alas nuwebe ng umaga. Sa isang tulay, may mababalitaang tangang babae na nagpakamatay...
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Wala na akong pakialam sa ibang taong nakapaligid sa akin dahil ang ito naman ang huling araw na makikita nila ako. Tutal kahit isa man lang sa kanila, hindi nila maiintindihan.
Ilang ulit ko ng sinabi na sawa na ako. Sawa na ako sa mga ingay na umiikot sa ulo ko. Sawa na ako sa malikot na mga matang nakatingin sa akin. Nakakasawa na. Nakakasawa ng mabuhay.
Tuloy-tuloy lang pag-iyak ko. Agad kong hinawakan ang isang malamig na bakal sa tulay na iyon. Sa araw na ito, siguradong mawawala ang mga problema ko. Magiging masaya na silang lahat. Si Natasha na kaibigan ko noon na umagaw ng boyfriend ko. Ang nakabusangot niyang mukha mapapalitan na ng ngiti. At ang ex kong magiging masaya na din sa pagiging babaero niya. Lahat sila magiging masaya.
Tatalon na sana ako ng marinig ang isang batang umiiyak sa tabi ko. Ang lakas nitong umiyak kaya naman kinuha ko ang panyo ko at lumuhod para ayusin ang mukha niya. Na kahit ang sarili kong mukha ay hindi ko maayos.
"Waaaahhhh!," malakas na iyak ng bata. Tuluan na din ang sipon nito na agad ko namang inayos.
"Bakit ka naiyak bata?," tanong ko dito. Tumigil naman sa pag-iyak yung bata sabay yakap sa akin. Nagulat naman ako sa ginawa nito. Niyakap ko na lang din siya. Naalala ko tuloy si Mommy na niyayakap ako kapag nasasaktan ako. Namimiss ko na siya. Pero malapit na naman kaming magkita.
"N-nawawal-la p-po k-kasi ako," hindi niya maiayos ang salita niya dahil sa kakaiyak niya. Pinat ko naman ang ulo niya at kinomfort siya. Hinawakan ko naman ang dalawang braso niya at inilayo sa akin. Pinalis ko na lamang ang mga luha nito at tumingin ng diretso sa kaniya. Agad namang nagtuluan ang mga luha ko.
"B-bakit po kayo naiyak?," tanong ng bata. Tuloy-tuloy lamang ang luha ko. Niyakap kong muli siya.
"Kailangan ko lang ng yakap ngayun," sabi ko dito. Niyakap niya din ako pabalik. Tumayo na kami at nagpunta sa malapot na prisinto. Palagi niya naman akong kinukulit na ngumiti dahil sa tuwing hindi daw siya nakatingin ay umiiyak daw ako. Bago pa kami nakapunta sa prisinto ay napatigil kami sa isang coffee shop. Natanaw ko ang isang ginang na nag-aalala.
Muling umiyak yung bata at niyakap ang ginang. Nanay niya siguro iyon.
"Nakita ko po siya sa tulay, Ginang."
"Maraming salamat at nahanap mo ang anak ko. Maraming salamat talaga. Sobra na akong nag-aalala sa kaniya kanina."
Napatango ako sa Ginang. Nagsenyas na ang ina nito na aalis na ito pero nilapitan ako nito at nagsenyas na yumuko ako at may ibubulong siya. Tuluyan ng nagtuluan ko at nagpaalam na. Nakahawak ako sa bibig ko.