Adulting

2 0 0
                                    

Ang dami mong gustong sabihin pero pinili mong isarili nalang. 

Ang dami mong gustong bilhin pero pinili mong magtipid at ipikit ang mga mata.

Ang dami mong kaibigan noon pero ngayon kamay ng maliit na bata ang hawak hawak mo. 

Ang dami mong gustong gawin pero bakit nasa higaan ka lang nakahilata? Depressed? Anxiety? 

Pag sinabi mong depressed ka, nag iinarte ka lang sa mata ng iba. 

Tanging ang diyos lang ang nakaka alam ng lahat ng iniisip mo at tanging siya lang ang nakakaintindi sa'yo. Siya lang ang may mga sagot sa mga walang katapusang katanungan na nasa isipan mo.

Pero ang tao ay natural na walang pasensya.

Gusto lahat minamadali at may resulta. 

Nakakalungkot lang kung ang resultang minadali ay hindi maganda. Mas nakakalungkot isipin na ang pinangarap natin noon pagkabata na maganda ang buhay ng matatanda.

Hindi pala madali.

Nakakapagod din pala.

Dati kung nadadapa ka, walang problema na magpakita ng kahinaan sa ibang tao lalo na sa pamilya.

Pero ngayong matanda ka na, ang pagpapakita ng luha ay simbolo ng kahinaan.

Mapalad ang mga taong may pamilya na sumusuporta na walang sumbat na natatanggap at hindi nag hihintay na may kapalit lahat ng naitulong.

Ngayon alam ko na kung bakit kailangan ang tao ay matutong mag-isa at mawalan ng kapamilya, kamag-anak at kaibigan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You vs EverythingWhere stories live. Discover now