Hadley's POV:
"HHHAAADDDLLLEEEYYYYY!!!" May narinig naman akong boses na sumigaw sa labas."Ay Letcheflan!, ano ba yun?! Natutulog ang kapatid ko 'o!" Nang makita ko kung sino yung taong yun ay si Sarah. Ano na naman kayang kailangan nito at napalakas ng sigaw, pfft!
"Makasigaw ka...parang may sunog, alam mo ba yun?" Nakita ko naman nainis sya ng onti sa sinabi ko. "Super excited kasi akong ibalita ang nalaman ko"
"Ano na naman kaya yan?" walang gana kong tanong. "Oops! Nevermind na lang pala. Para rin naman sayo 'e, kaso parang hindi ka interesado. Kaya...alis na ako, bye! Bumaba ka na rin. Kakain na!"
Naguluhan ako sa sinabi nya. Anong para sa akin ang balita nya? Nagcurious tuloy ako, pero bago pa ulit ako magtanong ay wala na sa harapan ko si Sarah. Pfft! Hays, bababa na nga rin ako, nagugutom na rin ako at baka nagugutom na rin 'tong kapatid ko.
"Hadley!!" Bunga sa akin ni Jasper. I guess...pababa na rin sya para kumain. Nakita nya naman ang kapatid ko na nasa may likuran ko. "Hi, Jack!" Masiglang bati nito.
"Hi kuya nerd!" What did thus kid call Jasper? Kuya nerd? Ampupu! Hahaha!
"I heard you read a lot of books?" tanong ni Jasper. "Uhmm...yes kuya nerd. Why?"
Ayan na sila! Ano na naman kayang paguusapan nitong dalawa na 'to. "Do you like the story of Harry Potter?" Tumingin naman ako kay Jack at parang nabuhay na patay ang mukha, hahaha!
"Then if you want...I'll lend you all of my books of Harry Potter" Napangiti naman ako sa sinabi ni Jasper. "Sure kuya! Thanks!" pagkasabi ni Jack ay bigla syang lumapit kay Jasper at sabay na bumaba.
Wow, iniwan ako? Ako yung ate, pero ako yung iniwan nila? Masyadong mapag-angkin din 'tong si Jasper 'e. Dun na lang sya sa kaibigan ko!! Wag lang ang kapatid ko, ampupu!
Pagkababa ko ay nagulat ako na abala ang lahat sa pagaayos ng hapagkainan, kaya...ginusto ko na ring tumulong.
"Jack, wash your hands na" Tumango na lang sya at pumunta sa CR. Tumulong ako sa pagaayos ng mga plato at mga kutsara't tinidor, pero may biglang kumuha ng mga hawak hawak ko.
"Let me." Napatingin ako sa nagsalita. Nakangiti ito ng abot tenga. Hindi pa rin sya nagbago. Parang walang nagbago...pero alam kong hindi na maibabalik ang dating samahan namin.
"Ako na Zeigfred. Kaya ko na 'to" binawi ko sa kanya ang mga bagay na hawak ko. "Just let me do this. At least this once, Ley" Naalala ko na naman ang pangalang yun. Parang bumabalik lahat ng nangyari. Oo, okay na kaming dalawa, pero hindi na talaga maalais ang mga nagyari in the past.
"Don't call me Ley" Tumungin ako sa kanya at ngumiting tumango na lang saka nya tuluyang kinuha ang mga hawak hawak kong plato at tinidor.
Napansin ko naman na wala yung dalawang mokong na lalaki. Ang nandito lang ay kami nila Delialah, Sarah, Adalyn, Zeigfred, Jasper, Stan, at isa pang lalaki't babae. Mukhang magkakilala naman sina Adalyn at yung isa pang lalaki. Sino kaya yun? Bakit sila magkakilala. Mukhang may nangyari at parang nadagdagan yata ang mga kasama namin. Mas okay na rin 'tong marami, at least may thrill.
"Jasper? Asan yung ibang mga mokong?" Natawa naman si Jasper sa sinabi ko. "So...tawag mo pala sa mga lalaking gwapo katulad namin ay mokong? Wow! Napakaunique naman" Hindi ko alam kung anong meron dito at napakalakas ng tama sa utak, tsk!
"Ang kapal mo rin 'e! Bagay na bagay talaga kayo ng kaibigan ko! Parehas may sira sa utak! Papatingnan ko na nga kayo minsan sa doktor, baka lalo pang lumala yan!"
BINABASA MO ANG
Be Fearless (ON GOING) #ChAwards2018
Ficção AdolescenteWelcome to Unique Academy! Dito lahat maguumpisa ang lahat lahat. Friendship, Relationships, Enemies, Rebels and so much more. Kaya nga sya tinawag na "Unique Academy" right? Kasi...Unique ang mga happenings dito. They learn how to be themselves and...