Find Your Worth

4 0 0
                                    

“Good morning Housemates! Please proceed to the swimming pool area.”

Yan ang narinig ko pagkagising ko pa lamang. Muntik ko nang makalimutan andito nga pala ako sa PBB House. Nag audition nga pala ako dito 4months ago dahil gusto kong makatakas sa reyalidad ng buhay na meron ako sa labas ng bahay na ito. Hindi ko naman akalain na matatanggap ako sa audition at laking papasalamat ko na lamang ang makapasok dito.
Bago ko makalimutan na pinapapunta nga pala kami ni kuya sa swimming pool area ay dali dali na akong nag-ayos para lumabas, ako na lang pala ang naiwan na nakahiga sa kama. Pagkatapos kong mag ayos at ayusin ang kama ko ay lumabas na ako. Bumungad naman sakin si  Kenshin. Isa sa mga housemate. Well sa totoo lang matagal ko nang kilala ‘tong lalaking ‘to eh. Paano ba naman sya lang naman kasi yung kapatid ng Bestfriend kong si Angel Heart.

“Goodmorning Ysabelle”sabay ngiti nya. Tinanguan ko na lamang sya at ngumiti. Sabay na kaming naglakad papunta sa swimming pool area. Nadatnan namin dun yung iba pa naming housemate. Bale 8 na lang kaming natira dito. 4boys and girls na lamang kasi na evict na yung iba. Bigla na lamang nag “ayiiiieeee” ang mga kasama namin. Well balita kasi dito sa bahay na may gusto daw sa akin itong si Kenshin. Tss nagkagusto sya sa akin kung kelan di ko na siya crush. Kasi dati grade7 pa lang ako noong una ko siyang nakita. Part siya ng Student Council noon at isa siya sa mga Photojournalist na school. Tinawag niya ako noon para picturan kasi kailangan ng mga pictures para sa dyaryo sa school. After that naging crush ko siya tapos di ko naman alam na kapatid nya pala yung kaklase ko. Kalaunan ay naging bestfriend ko yung kapatid niya. Naalala ko pa nga dati noong panahong may problema ako si Angel yung nagcomfort sakin. Bigla na lang niya akong chinat noon at pinagsesend sa akin ang sandamakmak na picture ng kuya niya. Swerte ko sa bestfriend ko. 
Tama na ang pag reminisce ng nakaraan. As we gathered sa swimming pool area para nga pala kumuha ng daily supplies ay nagkaroon ng kaunting pag-uusap.

“So guys paano kaya kapag lumabas tayo dito magkatuluyan iyang sina Ysabelle at Kenshin ano?” sabi ni Vino na laging nang-aasar sa aming dalawa ni Kenshin.

“Naku! Vino, sa tingin ko ay hindi. Ehh hindi pa nga nakakamove on iyang si Ysabelle sa gag• nyang Ex” sabi naman ni Krysha na naging matalik kong kaibigan dito sa bahay ni Kuya.

“ Ano ba kayo guys? Wag niyo na ngang problemahin ang lovelife ko hahahaha” sabi ko naman sa kanila. Ayokong pinag uusapan talaga yung about sa Ex ko. Sariwa parin kasi yung nangyari eh.

“Anong date nga pala ngayon guys? “ tanong naman ni Kenshin sa amin.

“March 31 ngayon dude” sabi ni Vino. Automatic na nagkatinginan kami ni Krysha. Alam niya kasi kung anong meron sa araw na ito.  Alam niya kung paano ako nasaktan ng kaparehong petsa ngayong araw na ito na isang taon na ang lumipas. The memories are still fresh. Sariwang sariwa pa to the point na sobrang sakit parin para sa akin. Tuloy lang ang pagflashback ng alaala sakin ng bigla akong yakapin ni Krysha sabay bulong sakin.

“Alam ko kung gaano kahirap para sayo na maalala kung anong meron sa araw na ito pero at the same time sana wag mong kalimutan na birthday mo ngayon Ysabelle, Happy Birthday. “ Oo, birthday ko ngayon. Sa mismong araw na iyon nya napiling saktan ako.

Di ko na alam ang mga nangyayari sa paligid ko sa oras na ito. Bigla na lamang akong pinitik ni Vino sa kamay kaya bumalik ang aking ulirat. Kinakantahan pala nila ako ng Happy Birthday song. Hindi ko maiwasang maluha sa nakikita ko ngayon. Pagkatapos nila akong kantahan ay biglang nagsalita si Kuya.

“Maligayang Kaarawan sa iyo Ysabelle. Masaya ako na naging bahagi ng iyong buhay na maranasan ang magcelebrate ng iyong birthday dito sa aking bahay. Tumingin ka sa Tv at meron pang gustong bumati saiyo. Happy Birthday ulit Ysabelle. “

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 02, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Find Your WorthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon