Dom's POV
Kalahating oras na akong naghihintay dito, ah. Wala pang Trisha na dumating. Akala ko ba pumasok siya school? Pero ba't di pa siya pumupunta dito sa school ko? Lagi naman siyang pumupunta dito, ah! Ayoko pa namang pinaghihintay ako. Uwian na at dapat nandito na siya.
"Dom? Ba't nandito ka pa?" Tanong ni Julia at umupo sa tabi ko.
"Hinihintay ko si Trisha." Tumango naman siya.
"Tama pala. Siya ang sumusundo sayo."
"Hindi siya ang sumusundo sa akin! Dito ko lang talaga siya hinihintay." Bumilis naman ang tibok ng puso ko nang hawakan ni Julia ang kamay ko.
"Dom, sa tingin ko gusto ni Trisha na siya naman ang sunduin mo. Baka nagkaroon ng emergency sa classroom niya..." Malambing na saad ni Julia. Okay. Susunduin ko si Trisha pero para ito kay Julia.
"Tama ka." Agad akong pumunta sa parking lot at nagmaneho papunta sa eskwelahan ni Trisha. Tama pala. Ang laki ng eskwelahan na ito. Saan ako unang maghahanap? Lumapit naman ako sa guard. "Guard, saan ang building ng grade 3?" Tanong ko.
"Doon sa dulo, yung huling building."
"Salamat po." Agad akong tumakbo doon at tiningnan ang mga classroom na bukas pa. At napunta naman ako sa classroom na may isang teacher na nakikipag usap sa iyakin na bata. Teka? Si Trisha yun, ah. "Tao po. Nandito po ba si Trisha?" Tanong ko sa teacher. Agad namang napatingin sa gawi ko si Trisha. Nagulat pa ako sa mukha niya dahil puno ito ng luha.
"Kuya Dom!" Pumasok ako. Himala 'Kuya Dom' ang tawag niya sa akin, basta sa ibang tao talaga ang bait niya kapag kaming dalawa lang, naku lumalabas ang sungay niyan.
"Ikaw pala ang kuya niya. Si Trisha kasi may lagnat at kanina pa umiiyak." Sad ng teacher. Tiningnan ko naman si Trisha na umiiyak. Umiiyak nga siya, ano na namang arte ito?
"Ako na po ang bahala sa kanya. Salamat po." Kinuha ko ang bag niya. Hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami papunta sa gate. Habang naglalakad kami ay para siyang zombie maglakad. Tiningnan ko siya at mapupungay ang mata niya. "Ayos ka lang?"
"Ang sakit ng ulo ko." Hinawakan ko ang noo at leeg niya, mainit nga siya. Mukhang di nga siya nagdra-drama. Kinarga ko naman siya. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg ko. Ramdam ko ang init niya. Ano ba kasing pinaggagawa ng chanak na ito?
Nilagay ko siya sa front seat. Tulog na siya. Nilagyan ko siya ng seat belt. Agad akong pumasok sa kotse at nagmaneho papunta sa bahay. Kinarga ko naman siya papunta sa kwarto niya. Imutusan ko ang isang kasambahay na bihisan si Trisha at pakainin ng sopas.
Nanunuod lang ako ng TV nang bumaba ang kasambahay.
"Dom, umiiyak siya. Gusto ka niyang makita." Saad niya.
"Nagdra-drama lang yun. Pabayaan mo nalang." Nagdra-drama lang yung chanak nayun. May paiyak iyak pang nalalaman.
"Pero Dom lumalala ang sakit niya. Sumusuka na siya."
"Anong gusto niya? Alagaan ko pa siya? Matured na siya kaya alam kong kaya na niya ang sarili niya." Diko na siya pinansin pagkatapos nun. Habang nanunuod ako ay may yumakap naman sa likuran dahilan ng pagtuwid ko ng upo.
"Ba't di mo ako pinuntahan?" Mahina niyang bulong. Ramdam ko ang init na nanggagaling sa katawan niya. "Nakakainis ka." Nagsimula naman siyang umiyak. "Ang sama sama mo! Di mo ako inaalagaan!" Basa na ang balikat ko. Hinila ko naman siya palibot sa sofa at pinaupo sa tabi ko. Ano bang nangyayari sa kanya? Ang iyakin na niya, ah. At umaakto siya na parang bata.
Bata naman talaga siya, Dom.
"Kuya?" Tinawag na naman niya akong kuya.
"Oh?" Nagdadalawang isip pa ako kung sasagot ba ako, baka naman prank lang ito?
"Ang sakit ng ulo ko." Sinandal niya ang sarili niya sa akin.
"Ano ba kasing ginawa mo kanina?"
"Di ko alam." Niyakap naman niya ako. Dahan dahan ko namang nilagay ang kamay ko sa likuran niya. Ilang minuto pa ay narinig ko na ang hilik niya. Napangiti naman ako. Grabe maka hilik ang batang ito. Kinarga ko siya papunta sa kwarto niya at inihiga siya sa kama.
Ang bait niya pag natutulog. Kinumutan ko siya. Umupo ako sa tabi niya at hinimas ang ulo niya. Cute naman talaga si Trisha. Mabait naman siya kung hindi lang siya naging masama.
"Teddy... Teddy.... Akin na si Teddy..." Narinig kong saad ni Trisha habang nakapikit. Nag sle-sleep talking pala tung chanak na ito. "Akin na si Teddy!" Umiyak nalang siya bigla pero nakapikit parin siya. Inangat niya ang kamay niya at parang may kinukuha.
Mukhang di na naman sa akin matutulog si Teddy.
Pumunta ako sa kwarto ko at kinuha si Teddy. Nilagay ko sa tabi ni Trisha si Teddy agad din naman niya itong niyakap.
"Goodnight, Trish..."
"Goodnight...." Nakapikit parin siya ngunit nakangiti na siya. Umalis ako sa kwarto niya at pumasok na sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
My matured wife in a 8 year old body
Fiksi RemajaShe's my fiance in a 8 year old body. Para siyang nakulong sa isang katawan ng bata. Matured siya mag isip. Baka nga may magic na naganap para makulong siya sa isang bata