Mrs. Eliza Dela Vega
Kitang-kita ko ang takot sa mata ng babaeng iyon ng muli ay tumapak ako sa pamamahay nila ng anak ko...
Who wouldn't be scared at me, kung ang paikutin ang asawa niya sa mga palad ko ay minsan ko ng nagawa. At ang pagtanggap sa kanya bilang parte ng pamilyang mayroon kami ay hindi kabilang sa bokabularyong mayroon ako.
Hindi ko akalaing sa mga babaeng niligawan ni william, ay mauuwi siya sa anak ng babaeng minsan ng sumira sa pamilya namin.
Kung may isang rason man para hindi siya tanggapin ay yun ang pagiging kabit ng nanay niya. Cristine just like her mother, is some sort of gold digger. Na maging ang panganay kong anak na si migz ay balak pa niyang tuhugin.
Kaya nga't ganun na lamang ang galit ko ng malaman na si Cristine ang anak ng kabit noon ni philip. Philip & I were bond together just because of the arrange marriage na ginawa ng magulang namin. And who would have thought na magagawa kaming talikuran ng asawa ko upang balikan ng tunay na mahal niya. At iyon ay ang nanay ni Cristine.
" Kamusta si william... Ang apo kong si Irish naroon ba?"
Tanong sa akin ng asawa kong si Philip...
" He's definitely fine, nakumbinsi ko siyang pumunta dito para sa family dinner natin mamaya. His daughter.. Masyado siyang matatakutin mukhang ayaw pa akong lapitan.."
" Hindi naman kaya tinakot mo?"
Mapanuksong tanong ni Philip... Lumapit ako sa kanya at pumunta sa likuran, at tinapik ang balikat niya...
"Well, I can't blame them... Masyado
lang talagang nakakatakot ang presensiya ko.. Anyway nasaan ang anak mong si miguel?" Pagiiba ko ng usapan..."Hindi ba siya nagpaalam sa'yo? Akala ko ay susunduin ka niya..."
Nagtatakang tanong ni philip...
" Baka may pinuntahang kaibigan, kilala mo naman ang anak mong iyon..." Pagdadahilan ko gayong nagkakaroon na ako ng ideya kung nasaan ang anak kong si Miguel.
....
BINABASA MO ANG
Her Greatest Nightmare
Roman d'amourIt's a story of undying love and the sufferings brought by love itself.