Amy's POVHay nako! Biyernes na naman ngayon.
Masyadong mabilis ang araw at masyado na rin akong madaming napagdaanan sa ilang weeks na pagpasok ko.
Kahapon, pagkagising ko ay sinabi ni nanay na may naghatid daw sa akin na kaibigan ko. Ang natatandaan ko ay si Jeff iyon. Mabuti na lang at hindi niya sinabi kung ano talaga ang nangyari sa akin dahil panigurado ay hindi na ako papapasukin ni nanay sa pag-aalala kapag nalaman niya.
"Hoy babae!"
At sa dalawang araw na nakalipas ay hindi na ako tinigilan pa ni pangit. Kinukulit-kulit niya ako kahit sinusungitan ko lang siya at hindi pinapansin.
Naiinis kasi ako sa kaniya. Siya ang dahilan kung bakit muntikan na akong ma-rape! Mabuti na lang talaga at dumating agad si Jeff.
"I just noticed this. When Jeff was talking to you you're so nice pero kapag ako na ang kakausap sa'yo ay para kang demonyo?"
Napatigil naman ako sa ginagawa ko at inis na tiningnan siya.
"Napakalayo ng ugali niya sa'yo dahil siya napaka-baaaaiiitt eh ikaw? Ni wala ka pa nga yata sa kalingkingan niya kaya huwag mong ipagkumpara ang pakikitungo ko sa inyong dalawa."
"H-hoy umayos ka sa pananalita mo ah, tandaan mo master mo ako." Taas noong sabi niya.
"Tss edi master." Balewalang sabi ko at ipinagpatuloy ang ginagawa ko.
"Tomorrow, pumunta ka sa bahay at may ipapagawa ako sayo. Start mo na ring i-tutor ako para may kwenta ka naman."
"Ibig mo bang sabihin ay wala akong kwenta?"
"Ohh yes?"
"Tss bahala ka sa buhay mo dahil hindi ako pupunta sa inyo!"
"Aba't bakit hindi?"
"A.YO.KO."
"Tandaan mo--"
Pinutol ko na ang sasabihin niya dahil paniguradong ipapaalala niya na naman sa akin na ako ang slave niya at siya ang master ko.
"May lakad ako."
"No you should go there whether you like it--"
"Oops sorry next time na lang."
Agad ko na namang pinutol ang sasabihin niya sa pamamagitan ng pagtakbo palayo. Ayaw ko kasi talagang pumunta. Tinatamad ako at hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan ang kasalanan niya sa akin.
Napagpasiyahan kong magpunta na lang tuloy ng library at doon muna tumambay. Sinusubukan ko ngayong abutin ang isang librong nakita ko sa pinakataas ng bookshelf kaso 'di ko maabot.
"Hays bakit ba kasi ang liit ko?" Bulong ko sa sarili ko at pilit pa ring inaabot ang libro sa taas.
"I thought you're smart pero bakit hindi mo man lang naisip na gumamit ng hagdan?"
Nagulat ako ng may biglang kumuha ng librong pilit kong inaabot at ibinigay ito sa akin. Nakita ko naman si Jeff na nakangiti sa akin kaya ginantihan ko rin siya ng ngiti. Naupo kami sa may mesang in-okyupado ng mga gamit ko.
"Hehe salamat sa pagtulong na makuha ito ah?" Nakayukong sabi ko at inayos ang nakakalat kong mga gamit."And thank you ulit sa pagtulong sa akin last time."
"Hahaha ilang beses ka na bang nagpasalamat sa akin simula kahapon? Hindi ko na yata mabilang." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.
"By the way, I saw you and Xian a while ago. Are you arguing?"
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Підліткова літератураThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...