Xian's POVSabado na ngayon at kagigising ko lang. Nandito pa rin ako sa kama at tinatamad bumangon. Nakakapagod kasi ang mga nangyari nitong nakaraang araw at parang gusto ko muna mag-pahinga. Naalala ko na naman tuloy iyong mga sinabi sa'kin ni Dan kahapon.
***
"Dan!!" Tawag ko sa kaniya ng makita ko siyang naka-akbay kay tabs.
Tumingin naman silang dalawa sa'kin at tumatawang inalis ni Dan ang pagkaka-akbay dito. May sinabi pa siya bago bumaba at pinisil pa ang pisngi nito na siyang mas ikinadilim ng paningin ko.
"Why?" Natatawang tanong niya ng mahila ko siya papuntang gilid.
"What are you doing?" Mariing tanong ko pero ang loko ay ngumisi lang na siyang lalo kong ikinainis.
"Why? She's just your slave and tutor right? Then why are you acting like that?" Direktang tanong niya kaya hindi ako nakasagot agad. "For so many years bro, I already know you. Very, very well. Just by looking at your eyes, I can easily tell what kind of look do you have and for the first time, I saw something within your eyes."
Napayuko naman ako at napabuntong-hininga dahil alam kong tama siya.
"Dan... you know that she is tabs."
"Yeah but who cares if she is?" Tanong niya na siyang ikinalingon ko. "Kahit siya pa si tabs, hindi mo siya pagmamay-ari. If somebody would like her, we can't do anything about it."
"What do you mean?" Kinakabahang sabi ko na siyang ikinatawa at ikinakibit balikat niya.
"You can't just shout at somebody who also cares for her bro." Aniya na tinutukoy ang pagtawag ko sa kaniya kanina. "If you have feelings for her, just go and tell her before anyone would own and love her the more you do."
***
Alam ko na ang gusto niyang sabihin sa'kin. Kaya siya nakikipagtawanan, kaya niya inakbayan at pinisil sa pisngi si tabs ay para pagselosin ako. Ginawa niya iyon para ipaalam sa akin na merong taong gustong gawin din iyon kay tabs. Gusto niya ring sabihin ko na ang nararamdaman ko para kay tabs kaysa makitang may iba nang gumagawa ng ganoon dito.
"Pero paano ko naman gagawin 'yon?!" Problemadong tanong ko sa sarili.
Bumangon na lang ako at nag-ayos bago lumabas ng kwarto ko. Nagugutom ako kaya dumiretso ako sa kusina kahit alas-otso pa lang. Palibhasa ay hindi ako nakakain ng maayos kagabi sa kakaisip ng mga bagay-bagay.
Tila biglang tumalon ang puso ko nang maabutan ko si tabs na nagluluto ng almusal. Nasa pinto pa lang ako ay naaamoy ko na ang niluluto niya.
"Fried rice?" Tanong ko kaya napalingon siya sa akin.
Ngumiti naman siya sa'kin at bumati ng magandang umaga na siyang ikinalakas lalo ng tibok ng puso ko.
Oh bro her smile! What a good start for my day! Indeed a good morning!
"Sinangag na kanin ang tawag namin dito." Aniya at pinatay ang gas stove saka isinalin sa plato ang kaluluto niya.
BINABASA MO ANG
He's my master and I'm his slave slash tutor
Novela JuvenilThere was a guy and a girl who really hate each other namely as, Xian and Amethyst. But one day everything has change when Amethyst needs a money for her sister. What if Xian was the one who gave her a money and he said that Amethyst should pay him...