Chapter 11

65 3 0
                                    

***Flashback***




William Dela Vega


Pinili kong hindi umattend sa wedding anniversary nila papa at nagdahilang masama ang pakiramdam ng asawa ko kahit ang totoo ay masakit ang katawan niya dahil sa ginawa kong pambubugbog, at kinabukasan nga ay umalis ako ng bahay para muling makipagkita sa kapatid kong si migz.



Hindi naman ako nabigo dahil dumating siya sa isang parking lot ng mall kung saan siya nagtatrabaho. Hindi na muna ako bumaba pa ng sasakyan at hinintay ko ang pagdating niya. Nang makita niya ako ay hindi ko man lamang siya nakitaan ng kahit anumang takot bagkus ay nakangisi pa ito...



" Have you watched it already? Nasiyahan ba ang mga mata mo william?"
Nanatili ako sa aking posisyon at pinakinggan ang kung anumang sasabihin niya...




"You're wife is great! In fact sa lahat ng babaeng naikama ko siya ung pinaka-nagustuhan ko. Kumbaga sa mga putahe siya yung pinakamasarap."



Sa puntong iyon ay di ko na nagawa pang kontrolin ang sarili ko, at pinagsusuntok ko na si migz. Nawawalan na ako ng respeto sa kuya ko.



" Are you mad? Hindi ba niya nabanggit sa'yo na ako yung naging ex niya. "



So, all this time mahal niya pa rin ang gagong to. Tumayo na siya at muling nagsalita..




" Hindi ko alam na magkikita ulit kami, and do you know what? nung malaman kong wala ka sinamantala ko na ang pagkakataon na iyon para makuha siya... Ng walang kahirap-hirap ... If you could just see her face... Ang saya niyang panoorin as she keeps on moaning my name..."



Sinuntok ko ulit ang kapatid ko ng ilang ulit hanggang sa matumba siyang muli...

"Demonyo ka, pinabantayan ko sila sa'yo pero hindi ko sinabing ahasin mo ko gago ka...!!! "
nagpakawala lamang siya ng isang nakakalokong tawa.. At parang hindi niya iniinda ang mga sugat sa kanyang mukha..

"Hindi ba't teacher ka ? Pero bakit ang TANGA mo?!!! Kaya nga mayroong Free will tayong tinatawag ... Dahil may karapatan ang taong pumili ng gusto niya... At si Cristine  ang gusto ko, hindi mo na mababago iyon"

" yes you can say that, but this is going to be the last time na makakalapit ka sa kanya!! You'll  never see her again at kung makikita mo man siya, ay nasa huling hantungan na si Cristine " ...

Yun ang huling pagkakataon na nakausap ko ko si kuya Miguel. Hindi ko inakalang magagawa niya sa akin ang bagay na iyon. At wala rin sa hinagap ko na magagawa akong lolokohin ng asawa ko.




Pagkatapos ng lahat? Ito lang ang isusukli niya, ang sama nila. Ayoko na sanang bumalik pa sa bahay na iyon dahil sa oras na makita ko siya ay masisira lamang ang araw ko at masasaktan lamang siya sa oras na magkalapit kaming dalawa. Kaya't imbes na umuwi ay dumiretso ako sa isang bar at doon ay nagpakalunod sa alak. Umuwi akong lasing na lasing at tila wala na sa tamang katinuan. Hindi ko na rin alam kung paano bang nakauwi pa ako ng buhay samantalang halos makipagkarera na ako sa mga sasakyang nagdadaan kanina. Alasdose na rin ng gabi, at ng makatapat na ako sa gate ng bahay ay ilang beses pa akong bumisina bago ito tuluyang buksan ng asawa ko. Gusto ko niya ba talaga akong paghintayin ng matagal.

" Bakit ba napaka-kupad mo?!! "


Hinarang niya ang kanyang mga kamay ng akmang sasampalin ko na siya ngunit hindi ko na rin naituloy ng makita kong puno pa rin ng pasa ang kanyang mukha.

"Pinapatulog ko kanina si irish, pasensiya na william hindi na mauulit"



Hinahawakan niya ako at pilit inaalalayan paakyat sa kawarto pero umaalma ako..

"Kagaya ka lang ng papa ko, ba't ba hindi niyo magawang makuntento sa isang tao lang? Why didn't you tell me na naging kayo ng kuya ko? Sabagay walang kayong pinagkaiba, actually bagay kayo... Isang basura at isang basurera"




Lasing man ako ngunit malinaw na malinaw sa akin ang mga salitang binibigkas ko. At hindi ko namalayang may mga luha na namang pumapatak sa mga mata ko.




"Huwag mo kong hawakan!! Nakakadiri ka!!"



Sigaw ko sa kanya ng muli niya akong hawakan para tanggalin ang damit ko

"Irish could have die by now because of embarrassment, if she only know what her mother did. Na ang mama niya nagawang makipagsex sa iba,... "






  Binura ko na ang video na ibinigay ni kuya migz, pero sa t'wing makikita ko ang mukha ni Cristine  ay kusa pa ring nagbabalik sa ala-ala ko ang hubad niyang katawan habang nakikipagtalik sa kapatid ko. Hindi ko na siya magawa pang tingnan pa sa mata, at ganyundin ang mahawakan siya.









Kita ko ang pagtutubig ng mga mata niya habang inaalis ang sapatos na suot-suot ko. At kasabay ng pagpikit ko upang makatakas at makalimot panandali sa bangungot na ito sa relaayon namin ni cristine, ay siya namang pagbukas ng isang senaryo mula sa aking panaginip. Isang senaryo kung saan wala pang bagyo ang sumusubok sa pagsasama namin bilang mag-asawa , isang masayang ala-ala na kahit kalian ay alam kong hindi na mauulit pa.

Her Greatest NightmareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon