Clarina's POV
My god! I'm so nervous at this time!
Nakasuot na ako ngayon ng wedding gown.. At lulan na ako ng bridal car. Nasa passenger seat ako,nasa front seat naman ang bridesmaid ko na walang iba kundi si Stephanie.
Oh gulat kayo noh.. Dahil Ang babaeng pinagselosan ko ng sobra ay siyang naging bridesmaid ko,haha
Okay lang kasi I already forgave her naman, nagkamali lang siguro ang puso niya at itinibok ang lalaking nakatadhana para sa akin hehe...
Naka move on narin siya kaya masaya na siya sa bf niya na walang iba kundi ang best friend ni Mansour na si Arnold.
Ini-expect ko na talagang simple lang ang magiging kasal ko. Kasi nga diba no preparation, pero okay lang at least matatali na sa akin ang magiging prince ko na mahal na mahal ko.
Wala nga akong ideya kung saan ako ikakasal, tanga lang noh!
Siguro konti lang ang bisita wala naman kasing invitation, mas mabuti na yon menus gastos narin haha char!!
Hindi ko rin alam kung paano nakatunog ang tatlong mga kaibigan ko including Stephanie.
"Cla..okay ka lang?"
Untag ni Stephanie sa akin,Diko namalayang huminto na pala ang sasakyan.
"Hmm..y-yeah I'm fine steph.."
Bumaba na ang driver at pinagbuksan ako. Nauna naring bumaba si steph para alalayan ako.
"Easy lang Cla..."
Nakangiting bulong ni Stephanie sa akin.
Inilingap ko ang paningin ko sa paligid ,bakit parang wala namang Tao... and shocks!
"Nasa resort ko to ah.."
Mahinang wika ko.
"Pls welcome the most beautiful bride! Princess Clarina Fuentes!"
Napangiti nalang ako nang marinig ko ang malakas na boses na iyon na nagmula sa naglalakihang speaker.
Nagsimula na ang wedding music at marahan na akong naglakad sa mahabang red carpet na ito. Pinagmasdan ko ang paligid. it is breathtakingly beautiful... Ang bawat dinadaanan ko ay napapaligiran ng mga red roses sa magkabilang sides.
Nang nasa mismong venue na kami ni Steph ay biglang naghiwalay ang dalawang malaking pulang tela na nagsilbing tabing sa reception at lumantad ang napakaraming tao.
Natanaw ko si Mj na nakatayo sa mistulang stage ng reception. Shocks! He's so handsome for his wedding suit.
Natutulala ako sa tanawing nasasaksihan ko ngayon.
Wala sa hinagap ko ni sa imagination at panaginip and etc. Na ganito kaganda ang magiging venue ng wedding namin ni Mj..
Buong akala ko ay isang napaka simpleng kasal lang ang aabutan ko.
But I was wrong..really wrong!
Dahil ang kasal pala namin ay napaka enggrande and its totally fit for a prince and princess wedding... And I'm very happy for this.
Nasa tabi ko na ngayon si Dad at siya ang maghahatid sa akin patungo sa groom ko.
Napakasaya ko dahil sa nakikita Kong kasayahan sa mukha ni dad ngayon and when he face to me, I saw him teary eyed and its like hes speechless.
"I'm very happy for you Princess! Your so beautiful.."
Tanging nasabi lang niya sa akin at niyakap na niya ako at hinagkan sa noo.
Hindi ko naman mapigil ang nagbabadyang mga luha sa mata ko at tuluyan na iyong tumulo.
"T-thank you dad!"
Bahagya pang pumiyok ang boses ko.
"Ssshhh.. don't cry princess masisira ang make-up mo."
Nakangiting sabi ni dad at pinunas ang luha ko.
Napangiti narin ako ng maluwang...
SL works
BINABASA MO ANG
My Prince Butler ✔
Romansa(Reached the highest rank #1--surprises) Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay natagpuan ni Mansour John ang sarili na naninilbihan bilang isang butler ng the only Princess of Fuentes. Mayron siyang pinirmahang kasunduan ayon sa kagustuhan ng Ama ni C...