01

112 5 0
                                    

Emosyon

Ako'y natutuwa, nalulungkot hindi ko maipaliwanag ang aking nadarama
Sapagkat aking nabalitaan na ika'y nakikipaglaban... Ngunit hindi sa digmaan... kundi sa inyong pagmamahalan.

Ako'y nasaktan dahil ika'y hindi pa lubusang nakakalimutan
Ngunit ako'y natutuwa rin na ikaw ay marunong ng lumaban.

Naisip ko paano kaya kung ako ang iyong ipinaglalaban?
Ano kaya ang aking mararamdaman?
Siguro ako na ang pinakamasayang babae sa buong kalawakan.
Subalit ang lahat ng 'yan ay mananatiling imahinasyon na lamang.
Masakit isipin ngunit ano pa ang aking magagawa?
Kailangan ko na itong tanggapin.

Aking ipagdadasal ang iyong kaligayahan
At sana ikaw ay maging matagumpay sa iyong pakikipaglaban.


Nagdadalamhati,
Yna

PalabrasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon