'May New character nanaman heheh!'
Eedit ko na yung ibang chapter kasi may typo eh sowwyy!
Ivory's POV
2 days has passed, Wala naman masyadong nangyari sa loob ng room dahil sa paglipat ni tsonggo, Nih hindi nga kami nagpapansinan eh—pakelam ko kahit na hindi nya ako pansinin or kahit tignan nya lang ako kahit saglit.
Pero ang pinagtataka ko lang, hindi sila nagpapansinan ni CJ. Nagsimula yon nung kinutusan ko siya. Masama yata ang loob sakin pati si CJ hindi pinapansin.
"Pwede kaba bukas? Samahan mo naman ako bumili ng gift para kay Renz!" gift? Renz?
"Bakit mo naman bibigyan ng gift ang manok na yun?" nandito kami ngayon sa isang coffee shop malapit sa school namin. Libre nya daw kaya ayun GEYM!
"Duhh! Birthday po ni Renz sa Saturday!" ahhh..hindi ako ininform ng manok na yun eh.
"Gehh wala rin naman akong gagawin bukas after class eh." tsaka ako uminom ng frappe ko.
"Hindi kana KJ huh?! Anong nakain mo Ivy?!" OA lang ang peg nito? Eh sa nasanay na akong kausap kang kabutete ka eh.
"Psh, tara na nga. Uwi na ako at para makapag review ako para sa quiz natin bukas."
"Basta huh? Bukas after class, bili tayo ng gift fot Renz!"
"Lokaret! Bakit ko naman bibilhan ng gift ang manok na yun huh?" wala naman kasi akong sinabing reregaluhan ko yun.
"Birthday nya Ivy! Malamang bigyan mo ng something na magugustuhan nya!" nandito na kami ngayon sa tapat ng kotse ni Kabutete. Hahatid nya daw ako kaya heto sumakay na ako sa back seat, sumakay na rin sya at dito din sya umupo katabi ko.
"Isang bucket nalang kaya ng chicken joy? Tapos samahan ko na kutos para feel nya." iniimagine ko palang magugustuhan nya na— "Aray naman! Inaano kita?!" kinutusan ba naman ako? Problema nito!?
"Isang bucket ng chicken joy? With kutos?" tumango naman ako. "Ayy Ivy! Ang galing mo talagang mag isip ng gift! nakakabilib ka!" pumalakpak pa sya na slow motion..hihih!
"Of course! Ako pa ba— Aray! Nakaka dalawa kana huh!?" bah nakakasakit no toh eh huhuh.
"Sinong tanga ang magbibigay ng regalo na one bucket of chicken joy at isang kutos huh? Really Ivy?!" di ba nya narinig?
"Ako nga! Ang kulit nito eh! Kakasabi ko lang nga diba na ako magreregalo nun!"
"Omyvy! Ibahin mo yang regalo mo!" ano bang masama sa regalo ko?
"Fine! Kung ayaw nya yun edi sa mcdo nalang! Chicken nalang wala ng joy." tama, tama! Galing mo talagang mag isip ng regalo Ivory!
"Aishh! Sige ikaw na bahala! Basta samahan mo nalang ako bukas!"
Wala namang masama sa regalo ko huh? Baka gusto din ni CJ ng tanim naming ampalaya. *tango* *tango*
--------
"Wahh! Heto nalang kaya? Pak! Bagay na bagay kay Renz toh!" pagod na ako. Pagod na pagod.
"Pwede na bang kumain?" at gutom na gutom na rin ako.
"Oo na! Deliver nyo nalang po dito sa address na toh." bigay nya dun sa Lalake na nagtatrabaho dito sa mall ng address nya.
"Thanks God! Tara na at gutom na gutom na ang mga bulate ko dito sa tiyan!" hindi ko na sya hinintay na sumagot at nauna ng maglakad papunta sa Pizza Hut.
YOU ARE READING
The Bitter Girl (On - Going)
Genç KurguIsang babaeng ubod ng ganda, ubod ng sexy. . . . Ngunit.... . . . . Ubod ng kabiteran sa katawan. Bitter doon bitter dito. Paano kaya sya magkaka lovelife kung bitter sya? Lets see!! ******* October 27, 2018 at 1:59 pm