*text
helL0 mGa cLaxSsMaTeXss...,,
go0d M0rNinG,..
ofF t0 sCho0L na.,
iNgAt...
>>gM
#b0xZh_mApAgmAhAL
#jEssA_phO_itOh
#Ä:)
*end of text
Hayzzz. Nakapag-GM na naman ako. Hahaha. Adik na nga ata ako eh. Lahat na lang giniGM ko. Saya kasi. Yung A na yun, yun yung lalaking mahalaga para sa akin. Bait at ang kulit niya kasi. Tapos lagi niya akong pinapangiti. Kaibigan ko siya.
Papunta na ako ng school. Nakasakay na nga ako sa jeep eh.
*vibrate vibrate
Aba may nagtext. Binasa ko yung text.
wEh???
Huh? Nireplyan ko si Adrian.
aNo???
Ilang minuto, 'di na siya nagreply.
*vibrate vibrate
May nagtext na naman. Si Patricia. -_-
Ang jeje mo eh. XD Hahaha. Peace.
Lagi na lang akong sinasabihan na jeje. Ano bang masama kung gusto ko ng ganun? Wala naman diba? May iba't iba tayong gusto sa buhay kaya hayaan niyo na lang kami. Tss. Badtrip. Umagang umaga.
Bumaba na ako sa jeep kasi nasa may gate na ako ng school namin.
Naglakad na ako papasok at papunta ng classroom.
Habang naglalakad, bigla na lang may sumulpot sa tabi ko at nagsalita.
"Mapagmahal pala ha? Hahaha" pagtingin ko, si Adrian pala. Ilang taon na akong kinukulit at inaasar nito.
"Hehe. Ano't di na nagreply? Wala na bang load?" Hahaha. Asar ko sa kanya.
"Oo eh. Paloadan mo naman ako. Hahaha."
"Nuka. Sinuswerte? 10 piso lang ang paload diyan, unli mo na. Kuripot mo naman." suggest ko sa kanya.
"Hahaha. Damot. Nagtatrabaho ka na naman sa edi sa puso mo :'>"
"Ikaw din naman. at tiyaka, bakit ka nandito? Sa University of Swag ka nag-aaral ah."
Hahaha. Tss. Nasa pintuan na kami ng classroom. Late na naman.
Pagkabukas ng pinto, tumingin lahat ng classmate namin sa amin.
"AYIIIIIIIEEEEE!!!" asar ng mga classmate namin sa amin.
"Sina bohxzzss_mApAgMaHaL at bohxzzs_kUlHeTxZx!" sigaw nung isa naming kaklase. Asar.
Umupo na ako sa upuan ko.
"Bes, kayo na pala ha." asar ng isa kong bestfriend, si Jane.
"Ano ka ba?!" sabi ko.
3 kaming magkakaibigan. Sina Jane, Jas at ako. Ang pangalang ng grupo namin, 3J's pero ang tawag sa amin ng mga kaklase namin, tr0pHanG_khuLexTz. 'Di na lang namin pinapansin. Sa totoo lang, mababait naman kaklase namin eh. Sa pagiging 'jeje' lang namin sila hindi makasundo. Ang pagiging jeje naman hindi naman masama eh. Sabi nila, 'di daw nila maintindihan 'yung mga text. Tss. Kanya-kanyang trip, okay?
BINABASA MO ANG
The Jeje Lover (ONE SHOT)
RomancePaano ba magmahal ang mga jeje? Alam ba natin kung anong nasa loob nila at madali natin silang nahuhusgahan?