My First Love's Story

333 10 9
                                    

Matagal na rin pala tayong magkaklase. Simula ba naman elementarya hanggang kolehiyo, magkasama na tayo. "SOLID" nga, sabi nila. Marami din nagugulat kapag nagtatanong sila kung tayo ba. Madalas kasi nating isagot, "HINDI AH!". Eh sa tagal ba naman nating magkasama, akala nila may namagitan saten. Mula noon, hanggang ngayon, lagi pa din tayong magkadikit at nagkakasundo sa ideya ng isa't isa.

Kaso, may isang bagay ang hindi magkatulad sa atin:

TIBOK NG PUSO.

Matagal na kitang gusto. Maraming beses ko na din binalak na sabihin sa'yo pero lagi akong sawi. Alam mo kung bakit? Kasi may iba kang mahal. Kabarkada natin. Alam naming lahat yun. At tingin nga namin,bagay na bagay kayo. Pero alam mo yun? Masakit kahit masaya ako para sa'yo.

Kailan nga ba ito nagsimula? Ewan ko. Tinalo ko pa ata ang PBB Teens kasi sa pagkakatanda ko, elementary pa lang, umuusbong na ang paghanga ko sa'yo.

Naaalala mo pa ba? Tuwing pasukan,simula nung grade 4 tayo, ako ang gusto mong makatabi? Madalas pa nga tayong pagalitan ng teacher natin kasi kahit sa dulo tayo nakaupo, dinig na dinig nya ang daldalan natin. Pero ok lang kahit parusahan tayo ng pagiging cleaners kasi naglalaro pa tayo habang nag-aayos ng mga upuan.

Iyakin ka pa nga dati, diba? Nangingiti na lang ako kapag naaalala ko yung panahong tinatago ko yung bag mo at sa uwian ko na ilalabas. Namumula mata mo nun. Pero pinagtatawanan pa din kita. Pero kahit kailan, di ka nagalit sakin.

May sinalihan akong club nung elementary pa tayo,tapos may parade yung mga members. Diba, kahit hindi ka kabilang samin, sumama ka pa din. Sabi mo lang nun,"exercise din 'to". Nasa isip ko naman, baka gusto mo lang ako makasama.

Nung unang beses ako datnan ng "mens", di ko alam ang gagawin. Hindi ako makatayo sa kinauupuan ko dahil alam kong may mantsa. Sabi ko nun sayo mauna ka na. Pero makulit ka. Hinintay mong makauwi silang lahat hanggang tayo na lang dalawa ang natira sa room. Nung tumayo ako,nangiti ka at sinabi, "Dalaga na bestfriend ko ah". Tapos kumuha ka ng basahan para punasan yung upuan. At nilagyan ng panyo yung likuran ko. Oo, magbestfriend tayo, pero, tama bang magkagusto ako sa sarili kong bestfriend??

Ikaw naman kasi, masyado kang sweet. Ayan tuloy, nahulog ako sa'yo. Kung uso nga siguro yung MU nung mga panahong iyon, siguro, yun ang meron tayo.

Malapit na tayo mag-high school. Napag uusapan na kung saan mag-aaral. Ayan ka na naman. Kinukumbinsi akong sa parehas na school tayo mag aral. Sabi ko bahala na. Nagtampo ka nun at madalang mo na ako kausapin. Pero hinayaan lang kita. Kahit bata pa tayo nun, alam kong tama ang ginawa ko para makaiwas sa tuluyang pagkahulog.

Pero tadhana nga naman. First day of school. Halos di kita nakilala. Sobrang tangkad mo na,dati magka-height lang tayo pero ngayon, hanggang balikat mo na lang ako. Tahimik ka na din ngayon at hindi ako nilalapitan. Nagtatampo ka pa din ba?

Pero hindi mo din ako natiis. Lumabas ulit yung pagiging madaldal mo ngunit hindi na tayo tulad ng dati. Iba na ang lagi mong kasama. Ok lang yun sakin, kasi hindi naman kita pagmamay-ari. Gayon pa man, alam kong lumalalim na ang nararamdaman ko para sa'yo.

3rd yr na tayo. Ni isa sa atin hindi pa nagkakaron ng relasyon. Nasama na din ako sa barkada mo. Nakasundo ko rin naman sila.

Tanda mo pa ba? Lagi ako ang una mong pinipili maging kagrupo. Lagi tayong magkasama tuwing uwian, magkadaldalan pag recess at magkatunada sa mga kalokohan.

Grabe lang ha. Pakiramdam ko nga, "tayo" na eh. Yung tipong hindi natin kelangan ng commitment pero alam naten kung ano tayo. Naging masaya ako nun. Feeling ko, mahal mo ako.

Hindi ako nagkamali. Mahal mo ako...

MAHAL mo nga ako...

Bilang KAIBIGAN.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Too LateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon