Crush (One-Shot Story)

83 1 1
                                    

First One Shot Story.

***

Allisana

Napaigtad ako ng marinig ko ang alarm clock ko. Agad akong napaupo sa akig kama na King Size Bed. Charot.

*yawn* "Anak! Bumaba ka na dyan! Tumunog na alarm mo, narinig ko yon! Bilisan mo't mag-almusal ka na!" agad akong bumaba para sundin si mama, mahirap na baka sermunan pa ko ng maganda kong ina. Aga aga e.

"Bababa naman po agad ako. Tss. Sinigawan mo pa ko. Hahay" pout.

"E sorry naman. Akala ko di ka na naman babangon e. Osya kumain ka na." binigay nya sa akin ang platong may paburito kong ulam sa almusal, Bacon.

Pagkatapos ko kumain ay diretso school na ko. Syempre joke lang, ginawa ko muna ang daily routine ko sa umaga syempre. Alanga naman pumasok ako ng mabaho ang hininga ko, tas nakausap ko pa si Crush! Ay nako! Paktay ako nun. Este sya pala. Hehe

Darren Solomon, kilala bilang Cold Hearted Prince ng Campus namin. Pero mahal ko yan! Kahit super snob nya sa mga fans nya, napatibok nya ang puso ko. So corny right? That's love. Iw. Ni wala pa ngang niligawang babae un e. Baka bakla daw, e kung hinatak ko ng paikot mga buhok nila hanggang sa malagas? Kahit minsan nakakapagtampo ang pang-iisnob sa amin ni DarrenMyLabs, mahal na mahal ko pa rin sya. Sa aming magkakaibigan ako ang Obssess sa kanya. Well, you can't blame me. Matutulala ka sa sobrang hot nya! At di mo namamalayang---

"Allisana Shine Rivera! Bilisan mong bata ka! MaleLate ka na naman!" sigaw ni Mama na hula ko ay nag-uusok na ang tenga't ilong. Sumigaw ako ng Opo saka lumabas ng banyo. Agad akong nagbihis at nagbaBye sa kanya. Kaming dalawa na lang kasi ang nasa bahay ng ganitong oras, palibhasa nasa business trip sila kuya at papa. 22 na si kuya kaya sinasabak na sya ni papa sa business, dahil sya daw ang magmamana nito sa susunod. Si mama naman ay prenteng prente lang sa bahay lagi, ayaw daw nya magtrabaho. Tutal mayaman na kami. TAMAD kase. Hahahahaha. Ay by the way high way, ako nga pala si Allisana Shine Rivera, maganda, simple, di katalinuhan, tamad, medyo matangkad. And churvachuchu pa. Wala kong paki sa itsura ko e.

**

Pagkababa na pagkababa ko sa kotse namin ay, naglakad ako ng paSlow Mo, at nagbabakasakaling makita si Crush.

Dahil malas ako, O sadyang ayaw sa amin ni tadhana hindi ko sya nakita hanggang sa makarating ako ng classroom namin.

Dumating ang teacher ko sa room ng di ko napapansin, dahil tinatamad talaga ko! Ngayon lang ako di nakasilay e. Hahay :( nagtuloy tuloy ang klase hanggat sa dalawin ako ng antok.

"Psst. Alli! Gumising ka." kalbit sa akin ng kaibigan ko, na hula ko ay si Veron. Inis kong iniwas ang siko ko at ipinagpatuloy ang pagtulog ko. Natutulog ako! Iniistorbo ako! Aba nakakahiya naman sa akin!

Inulit ulit nya pa ang pagkalbit sakin at inis siyang tinignan.

"Tangina Veron! Kung wala kang magawa pwede tigilan mo ko?! Kasi nakakainis na e. Natutulog ako tas kakalabitin mo ko! Sabihin mo! Makikinig naman ako!"

"Oh easy Alli. Hahahaha! Ang gusto lang sana naming sabihin ay lilipat sa Section natin si Darren YOUR LABS!" at talagang inEmphasize pa nila ang word na DarrenMyLabs! Ay puta naman! Kung sana kanina pa nila ko ginising ay!

"E pucha! lilipat lang naman pala eh. kaila-- wait, l-lilipat?" di ko makapaniwalang tanong ko sa kanila. Dahil hindi naman talaga kapani-paniwala. Lalo na ang mga mukha nila. Agad naman nila kong inirapan!

"Ay hindi, kasasabi lang diba? Bingi lang teh? tulog mantika kasi. Tsktsk" isa isa pa silang tumalikod sa akin at inantay ang susunod na teacher namin. Napatulala na lang ako sa katangahan ko.

Crush (One-Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon