Crimson Tree

2.4K 124 14
                                    


KALAT
na sa buong campus ang paghatid ni Chase sa akin. May mga taga-MVU kasi ang nakasaksi ng engkuwentro nila Chase at Jason. Pagpasok ko pa lang sa school, pinagtitinginan at pinagbubulungan na ako ng mga kapwa-estudyante ko. Inulan din ako ng tanong ng mga kaibigan ko. Pati si Chona na leader ng campus editorial, naki-chika rin. Balak pa yata kaming gawing scoop sa entertainment news ng campus paper.

Sino ba naman kasi ang hindi magugulat? Bigla, ang bad boy na kinaiilagan ng marami, may inihatid na isang ordinary pero cute na babae sa school. May mga naririnig pa akong bulungan na "Are they dating?", "Paano na si Kiro?". Napailing na lang ako ro'n. Marami kasing nagpe-pair sa amin ni Kiro. That we looked good together. Pero friends lang talaga kami ng lalaki.

"O, saan ka pupunta? Ay, bakit pa ba ako nagtatanong? Sigurado namang si Chase ang pupuntahan mo," nakangising tanong ni Winnie nang tumayo ako at magpaalam. Katatapos lang naming mag-lunch. Nasa lobby kami. Doon kami tumatambay kapag vacant period.

"Oo. Sige. 'Kita na lang tayo mamaya." Kumuha ako ng isang strawberry na dala ni Winnie at isinubo bago sila tinalikuran. May umagapay sa paglalakad ko. "Kiro?"

"I'll come with you," sabi niya.

"N-naku. Huwag na." Kapag sinamahan niya ako, malalaman niya kung saan ang tambayan ni Chase. Nag-promise pa naman ako kay Chase na walang pagsasabihan at walang makakaalam ng tambayan niya. Ayokong masira ang bini-build kong tiwala niya.

Kumunot ang noo niya. "Bakit? Sasamahan lang naman kita, Hanna."

"Kung iniisip mo pa ring sasaktan niya ako, huwag kang mag-alala. Hindi niya gagawin 'yon. Hindi kailanman. Maraming beses ko nang napatunayan 'yon. Inihatid nga niya ako pauwi, 'di ba?"

Kiro sighed. "Seryoso ka ba talaga sa pakikipaglapit sa kanya?"

Umarko ang mga kilay ko. Akala ko, hindi na magtatanong si Kiro. Kanina kasi, tahimik lang siya habang kinukuwento ko ang ginawa ni Chase. Akala ko, nakumbinsi ko na siyang walang gagawing masama si Chase sa akin pagkatapos niyang malaman na si Chase ay si Mr. Music Box.

"I understand that he's special to you," Kiro continued, but there was bitterness in his voice. "But I still don't trust that guy, Hanna. Paano kung nagpapanggap lang siyang mabait sa 'yo? Hindi mo siya nakasama sa nakalipas na siyam na taon. Siyempre, may nagbago sa kanya—obviously, especially sa ugali. Pinoprotektahan lang kita."

"You don't have to. I know what I'm doing. May nagbago sa kanya, yes, pero 'yong dating siya, naroon pa rin. I saw it with my two eyes."

"What? 'Yong ipinakita niyang pagmamalasakit sa mga batang pulubi? Well, I must say, bumilib ako sa kanya do'n. Na may awa pa rin siya. Pero mabuti na rin 'yong nag-iingat, Hanna. Sasamahan pa rin kita."

"Hindi na talaga, Kiro. Gaya ng sabi ko, alam ko ang ginagawa ko. Bumalik ka na kina Rayt."

"Hanna—"

Biglang may humila sa palapulsuhan ko kaya hindi ako napigilan ni Kiro. Inakbayan ako ng mainit na brasong 'yon. Nanlaki ang mga mata ko. Si Chase ang umakbay sa 'kin!

"If she wants to be with me then let her. Stop acting like you fucking own her. Understood, Mr. President?" maaskad na turan ni Chase kay Kiro. Isang malakas na singhapan naman ang narinig ko sa paligid.

Then I heard shuttering sounds. Nagtaka ako kung ano 'yon kaya nilingon ko. Napangiwi ako. Si Chona, kinukunan kami ng litrato gamit ang DLSR niya.

"Dayum. Magandang item 'to!" malakas na bulong ni Chona na panay ang pindot sa camera niya. Nang makita niyang nakatingin ako sa kanya, nagtago siya sa poste.

MUSIC BOX AND THE BAD BOY ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon