" ANG BUNSO NG MGA CALVIN "
SA PANUNULAT NI SHERYL FEECHAPTER TWO - DALAMHATI
"Hey Lewis where are we going again?" Nakakunot-noong tanong ni Aries Dale sa tiyuhing kaedad niya.
"Gusto mo bang sumama o hindi?" Masungit ding tugon ni Lewis.
"I'll come of course, but I want to know where are we going. I'll tell also to mommy so that she'll not worry." Sagot nito.
"Alam mo Aries hindi naman tayo lalabas ng bahay, we are just going some place kaya huwag ka ng mag-alala kay ate Joy." Aniya ni Lewis na halatang nauubos na ang pasensiya.
Paano na iyan?
Ang dalawang masungit nagpanagpo?
"Okey, okey let's go." Walang nagawa si Aries Dale kundi ang sumunod sa tiyuhin.
"Sasama ka naman pala eh ang dami mo pang tanong. We're not going anywhere we're just going to the kitchen." Tuloy ay ingos ng batang si Lewis sa pamangkin.
Sa narinig ay namilog ang mata ni Aries Dale, kaya naman siya na mismo ang humila sa tiyuhin.
"Be quick Lewis I know they have small fish there, mayroon din silang delicious pakbet I'm hungry na." Aniya nito sabay hila dito.
"Madapa pa tayo niyan sa ginagawa mo eh. Hindi iyun mauubos kaya huwag mo akong hilain." Angal pa ni Lewis.
Pero hindi ito pinakinggan ni Aries Dale bagkus ay mas nagmadali pa.
"Hello po nana, we're here to eat." Agad na sabi ni Aries Dale kahit nasa bungad pa sila ng pintuan.
"We want pakbet po nana at small fish." Aniya naman ni Lewis.
"Okey babies take a sit na at ihahain ko ang foods ni'yo ha." Masayang sagot ng tagaluto.
Kung noon ay ang batang Calvin lang ang laging nasa kusina para makikain this time dalawa na sila. Hindi tuloy nila maiwasang matuwa sa mga ito dahil sa ikli ng oras na nandoon ang magtiyuhin ay parang isang araw na. Maingay ang magtiyuhing maliliit!
Ang hindi alam ng dalawang bata ay pinagmamasdan sila ng mag-asawang Sheryl at Roy, ang mag-inang Marga at Joy, at ang ama ng huli na si Allick Shane.
Samantala, sa balkonahe kung saan masayang nag-uusap.
"Wala talagang pinag-iba ang ugali ng dalawa. Look at them." Nahihirapan man dahil sa palagiang pagkakasakit pero halata pa rin at banaag ang tuwa sa mukha ng matandang Calvin lalo na at nakamasid sa apo sa tuhod at bunsong apo.
"Oo papa, mapa- U.S man o Pilipinas ganyan silang dalawa. Sa iba marahil isipin nila na nag-aaway sila pero sa ating kamag-anak nila'y normal na." Masaya ding sabi ni Marga.
"Hindi na nakapagtataka iyan papa, honey dahil iisang dugo ang nananalaytay sa kanila. Magtiyuhing magkaedad sabi nga ni Garreth." Abot hanggang taenga din ang ngiting sabi ni Allick Shane.
"Hayaan ni'yo lang sila 'Tart, Marga anak. Mga bata pa naman sila, let's just pray na mababago nila ang kasungitan nila. Aba'y daig pa nila ang matatanda ah." Nakatawa na ring aniya ni grandma Sheryl pero they doubt it dahil ang batang Calvin habang lumalaki ito'y mas nakikita ang pagka-aristokrato sa pagkatao. Hindi naman ito masamang bata pero seryoso kasi kaya sa mata ng ibang tao ay masungit ito but the truth is malambing din itong bata.
Kahit masaya silang nagkukuwentuhan ay hindi nakaligtas kay grandpa Roy ang pananahimik ng apo, kaya naman muli siyang nagwika dito.
"Hindi ka ba masaya apo? You're home pero mukhang hindi ka mapakali? Is there's something bothering you apo?" Tanong nito, they all know what's going on but he wants everyone to be happy.
BINABASA MO ANG
ANG BUNSO NG MGA CALVIN BY SHERYL FEE( COMPLETED)
General FictionGENERAL FICTION: ANG NAGWAWAGI AY HINDI UMAAYAW, AT ANG UMAAYAW AY HINDI NAGWAWAGI. AT HIGIT SA LAHAT HINDI LAHAT MG UMAATRAS AY TALO. MINSAN KAILANGANG GAWIN DAHIL IYUN ANG NARARAPAT.