Gusto kong Balikan

15 2 0
                                    

Gusto kong balikan hindi katulad ng isang cellphone na nakalimutan.
Wallet na naiwan o ID na di na kayang balikan sapagkat huli na ng aking malaman.

Gusto kong balikan hindi katulad ng bagay lang na naiwan.

Kundi Mga ala-alang nagdaan na may sakit na iniwan.

Gusto kong Balikan yung ako pa ang 'yong Mahal
at siya pa ay yong kaibigan.

Gusto kong balikan Mahal yung mga panahon na sabay pa tayong nangarap na tayoy mag tatagal.

Pero hindi pa sapat sapagkat kami'y iyong pinagsabay.

Ilang beses naghiwalay nagmahalan subalit nangalay na nga ng tuluyan,
napagod at tuluyan na ngang nagpaalam.

Ngunit mahal. Mahal ako parin ba?

Sapagkat kung akoy iyong tatanungin. Ikay aking sasagutin.
Oo ikaw parin.

Ikaw pa rin ang babaeng pinangarap makasama't mahagkan
sa lilim ng ating pagmamahalan.
Sa malamig na simoy at bawat paghalik ng alon sa karagatan. Ikaw lang mahal, ikaw lang ang nais kong Balikan. Mga oras, araw, buwan o taon mang lumipas
Hindi kailan man kumupas
ang pusong sugatan na ikaw lang ang lunas.
Oo ikaw lang ang lunas.
At gustong makasama sa wakas.
Ngunit tayo ay likas na may pagkukulang
kaya ang pagtingin mo sa akiy iniwas.
At tuluyan ka ngang umalis
dala ang matatamis na ala ala na tayo ang may lalang.
Kaya malaking puwang ang nawala sa 'king nararamdaman na lubos kong kinasaktan.
Na alam kong ikaw lang ulit ang kasagutan.
Na ikaw lang ulit ang makakapagbuo sa nawawalang puwang nitong pusong may pagkukulang.
Hinanap ang kasagutan sa ibang tao
ngunit hindi napunan ang pagkukulang at
puwang na iyong iniwan sa king nararamdaman.
Hinanap ang pag ibig na mailap
Ngunit mahal. ikaw lang talaga ang apuhap ng pusong naghahanap.

Spoken word poetryWhere stories live. Discover now