It's been a long time.
yeah..
Sa tagal ng panahon.. nalaman at nakita ko na meron ka ng nililigawan.
Masakit, nakakainis at nakakaselos.. it sucks kasi wala ako sa lugar para magalit at magselos. In the first place, friends lang tayo and wala na rin naman tayo komikasyon sa isa't isa. Hanggang tingin lang naman ako sa fb mo.
Nung makita ko ang pic ni Girl, ang sabi ko. "Sus, mas maganda pa ako dyan." But deep inside masakit kasi hindi ako ang pinili mo. Masakit kasi sa kanya mo naramdaman yung nararamdaman ko para sayo.
Everytime akong tumitingin sa fb mo at pati kay Girl. Nakakasakit kasi lagi na lang kayong lumalabas.
Samantalang ako, hopeless romantic pa rin.
Alam mo yung pinakamasakit sa lahat.. yung pinakilala mo sya sa pamilya mo. At dun din ka niya sinagot ng "OO". Tanda ko nun, yun yung time na namatay yung lead vocalist ng Linkin Park. HIndi ko alam kung kanino ako magluluksa. Kung dun ba kay Chester o dun sa puso ko (cheesy pero alam kong masakit malaman mo na taken na si Crush)
Isa sa pinakamasakit na araw para sa akin.. pero yun ang pinakamasayang araw sa buhay mo.
and then, dun ko na realize.. wala na.
Pero ang sabi ng isip ko.. huwag muna. Pero sabi ko, it's enough.
I guess it's time para maging masaya at huwag nang maging hopeless romantic.
I'm happy for the both of you. Sana may forever sa inyong dalawa.
So, as a friend. nag-heart ako sa status niyo.
So as the time goes by, unti-unti na akong nakaka move on sayo. Hindi ko na rin tinitingnan ang mga post nyo sa fb.
but..
That day..
bumalik ulit yung sakit na naramdaman ko nung sinagot ka nya.
This time.. She answered YES to be your wife. To be a Mrs. ___ (drop your surname here)
Akala ko April fools but No..
Lahat sila masaya para sa inyo. To be honest, hinihintay ko mag break kayo. Pero hindi pala. Sa simbahan din pala ang tuloy.
Then, nag pm ako sayo. nag congratulate ako sayo then niyaya mo ako na pumunta sa kasal mo. Nung una, ayaw ko kasi baka hindi ko kaya. Pero, para mapanatag na ang loob ko. I decided na pumunta sa wedding day nyo.
Langya, mukhang ayaw ata ni tadhana. to make the story short, hindi ako nakapunta.
May bagyo at hindi ako makaalis ng bahay. (Iniisip ata na baka ako pa pumigil sa kasal nyo. Hahaha)
Don't worry. HIndi ko naman gagawin yun sa inyo. HIndi naman ako kontrabida para humadlang sa love story nyo.
Then ayun.. ikaw ay KASAL na. It's the END i guess. So I have to suppressed this feeling towards to you but I won't forget that feeling.
Masarap sa feeling yung kinikilig ka. Yung konting lingon mo lang, ay jusko.. para akong nanalo sa lotto. Yung pag-akbay mo. Yung pagbubully mo sa akin, ay sus gustong-gusto ko nga eh. Kasi kinikilig ako nun. Lahat na yun memories na lang. Sweet childhood memories.
Masaya ako para sa inyo. Literal. Promise. Lalo na at Daddy ka na. May sarili ka ng pamilya. May magdadala na ng apelyido mo. I know na magiging one big happy family kayo.
Thank u sa lahat. Kasi sa tingin mo pa lang pinakilig mo ko. HAHHAHA charot.
I wish you all the best. Maging mabuti kang asawa at tatay sa anak mo ha..
PS.
Don't worry. Naka move on na ako.
Masaya na rin ako kasi may nagpapatibok na rin ng puso ko. ;)
YOU ARE READING
Dear Crush... again.
RomanceIt's been a long time. yeah.. Sa tagal ng panahon.. nalaman at nakita ko na meron ka ng nililigawan.