Dumating ang araw ng pag-alis ni Jaden. Syempre pa, sinamahan siya ni Vivoree sa airport. Ihinatid.
Pagdating doon, agad na nagpaalaman ang dalawa. Matatagalan nga din kasi si Jaden sa Korea para sa bago niyang business venture.
"Sege na Viv. Thank you for being with me last time before I leave." pagpapaalam na ni Jaden sa matalik na kaibigan. Vivoree smiled. "Oo naman. Wouldn't miss it for the world." sagot niya sa kaibigan. Ngumiti si Jaden and spread his arms for a hug. Agad namang lumapit si Vivoree at nagyakap ang dalawa.
"Mag-iingat ka doon and good luck on your new business. Alam kong kaya mo yan." encouragements of Vivi to her bestfriend. Tumango si Jaden at kumalas sa yakap. "Thank you. I know mas kaya ko na dahil sayo." sagot naman neto sa kanya. Ngumiti lang si V. Mamaya pa, tinawag na din si Jaden para magboard. They hugged again and Jaden left. Ngumiti naman si Vivoree at lumabas na din ng airport. Habang naghihintay ng masasakyan, nagulat siya nung biglang may humintong sasakyan sa harap niya. It was so familiar. CK's.
At hindi nga siya nagkamali. Maya-maya lang din, bumaba na mula doon si CK.
"Nakaalis na siya?" unang bungad neto pagkababa. Tumango naman siya bilang sagot dito kahit na naguguluhan siya.
"Uh..oo. Pero..anong ginagawa mo dito?" takang tanong niya pa muli. "Well..it's our free day. Wala ka naman sigurong gagawin. Gala tayo." he cooly said. Agad namang napangiti si Vivoree nun. Tama nga naman. Wala siyang gagawin. Wala siyang pupuntahan. Better spend this day with her man.
"Hmm. Okay, wala naman akong gagawin." her beautiful smile was all out again as she was saying those words. Agad namang napangiti si CK at inoffer na din ang sasakyan niya. Syempre, magkatabi sila sa harap. Nung makasakay na si CK at isasara na dapat ang pinto, biglang may lumapit na fan sa kanila. Well..they were both famous cooks. Vivoree, locally and CK internationally. May ilang interviews na din sila dati kaya di malabong may makakilala sa kanila.
"Uhm..si Chef Vivoree ka po diba? And..you're Chef CK?" tila kabadong tanong neto sa kanila. Ngumiti naman silang pareho.
"Yes po." Vivi answered flattered. Ngumiti agad ito at nayakap si CK. Napatawa nalang sila pareho. Maya-maya pa, humingi na ito ng picture sa kanilang dalawa. Agad naman silang nagpose at napicturan ng fan. After that, makikiselfie pa sana ito pero nahiya na kaya nagpasalamat nalang at umalis.
They both smiled when the lady left. Isinara na din ni CK ang pinto at sinimulang paandarin ang sasakyan.
"Ang famous naman natin. Iba talaga pag maganda." CK teased her as they were on the road. Tumawa agad siya. "Naku, ipinasa pa sa akin oh. Sino kaya diyan ang International Chef, oh." biro niya din pabalik. Tumawa din naman si CK. "Well..don't worry, ako pa rin naman toh. CK, your school partner." tumingin ito sa kanya at kumindat. Di niya naman naiwasang mapangiti. "Oh yeah. CK, my BULLY SCHOOL PARTNER." idiniin niya talaga ang mga salitang yun. Agad naman ulit tumawa si CK. "Wow, ako pa daw ang bully oh. Sino kaya diyan ang napakasungit." hindi nagpapatalong sagot din ni CK. "Che. Ewan ko sayo." pagtatapos nalang ni Vivoree sa asarang iyon. Tumawa namang muli si CK nun.
"Yes! Panalo ako!" tila galak na galak netong wika. Tumawa lang naman si Vivoree sa kakulitan ni CK nun.
Maya-maya pa, tumunog ang phone ni Vivoree kaya tinignan niya iyon at nagulat nung nasa Twitter na agad ang picture nila ni CK mula sa fan kanina. Nakatag sila kaya tumunog ang phone niya.