Hello ako nga pala si Lufet. At isa akong ipis. Isinilang sa kisame ng maalamat na PBB house nabibilang ako sa angkan na pinakamagagaling na ipis sa bahay ni kuya dito sa mansion. Astig, kinakatakutan , at kinaiinggitan ang aming lahi. Kami yung tipong naagrabyado at nagkataong binuhay mo pa, babalikan ka namin at ipapalasap sayo ang sakit ng kagat ng aming paghihiganti.
Kami daw ay nabibilang sa mga ipis na may dugong bughaw. Tinanong ko si mama kung paano nangyari na dugong bughaw kami. Sabi naman ni mama kasi daw utot ko kulay blue syempre hindi ako naniniwala kasi alam kong joke lang yun. :DD
KAMI YUNG LAHING INAPAK APAKAN MO NA LAHAT LAHAT . BUHAY PA!
pero sa kabila ng malupet kong pangalan at astig na lahi, isa pa rin akong mahinang ipis tanggap ko naman eh. Wala akong maipagmamalaki . Ayy!!! Meron pala ! Ang alaga kong si "Manoy" Lagi ko siya kasama lagi kaming naglalaro. Pero syempre ayaw ko namang ipakita siya kung kani kanino lang. Sensitive kasi sya. Madaling magalet :))
Inlababo ako sa isang kababata. Si dalesay . Siya na ata ang pinaka magandang ipis na nabubuhay. Fresh na fresh siya galing baguio haha. Tinanong ko sya kung papaano sya napunta sa bahay ni kuya. Ang sagot naman nya ay natrap daw sya sa maleta ng bagong housemate na pumasok sa bahay ni kuya . Ayun!
KASABAY NANG UNA NAMING PAGKIKITA AY PUMASOK NA RIN SIYA SA PUSO KO AT KAHIT KAILAN AY HINDI NA MULING LUMABAS PA...
Ang bango bango talaga ni dalesay. Parang panis na pancit. Ang sarap. Kahitsaan ako magpunta naamoy ko pa rin sya. Sumusunod sa galaw ko.
siya ang dahilan kung bakit patuloy pa rin sa pagtibok ang puso ko na para bang mamatay nako.
siya ang dahilan kung bakit 143 ang favorite number ko
siya ang dahilan kung bakit ako masaya
siya ang dahilan kung bakit laging nakatayo ang alaga kong si Manoy
siya ang dahilan kaya ako ipinanganak sa mundo para alagaan ko siya at mahalin ng habang buhay.
siya rin ang dahilan kung bakit ko nasagot ang katanungang what is the square root of 25 oo kasi lima lang ang paa nya dahilan naputol ito nung naipit uimg paa nya nung natrap siya sa maleta.
Dahil sa sobrang ganda ni dalesay . Ang dami daming nanligaw sa kanya! Naalala ko, pa nga nung sabay sabay kaming nanligaw sa kanya. At isa isa nya kaming tinanong kung ano ang maipagmamalaki namin.
Ipis 1 : Nakaligo nako sa dagat ng basura
Ipis 2 : Hindi ako magnanakaw.
Ipis 3 : Ibinalik ko ang kapayapaan sa mindanao saakin may ginhawa.
Ipis 4 : Meron akong galing at talino .
Ipis 5 : Ipinagmamalaki ko na mahal ko ang diyos at bayan.
Ipis 6 : Pinaunlad ko ang subic.
Ipis 7 : Hindi ako isinali sa survey tapos ipis 8 nanatiling tahimik pero patuloy sa panliligaw
Meron pa palang ipis sa baba pero mabuti nang hindi umakyaw.
Ipis 9 : Ako ang tunay na bayani!
Ipis 10 : Ako bahala sa palengke.
Tapos tinanong nya ko kung ano naman ang kaya kong ibigay at ipagmalaki.
" Ako mismo! Ako ang simula! At handa akong mamatay para sayo"
Matapos nun . Kinagat kagat ko ang bulok na prutas ng chiko para ukitin ang mga katagang ito
Deads na dead