Mission 19

2.4K 69 5
                                    

Please do votes and leave a comment.

---
Rylee POV

Nandito kami ngayon sa hospital dahil dinala kami ni Ked dito. Kaya pala wala sila kanina dahil nandito sila sa hospital. Naconfined daw kasi si Lester. Kawawa naman siya. Bugbog sarado ang mukha niya.

Umupo ako sa sofa para pakalmahin ang sarili ko. Kinakabahan kasi ako sa sinapit ni Lester eh. Kawawa siya and I felt sorry about it.

"Ked, bakit siya nagkaganyan?"tanong sa kanya ni Adam habang pinagmamasdan ang kawawang mukha ni Lester.

"Naabutan na lang namin siya na binubugbog ng misteryosong babae."

"Grabi naman ang ginawa ng bumugbog sa kanya."saad ni Adam bago siya umupo sa tabi ko.

May gusto sana akong itanong kay Ked pero wag na. Sasarilinin ko na lang at ako na lang ang bahalang humagilap ng sagot.

Napatingin kami sa pinto ng bumukas ito. Pumasok si Webster at agad niyang inilapag ang paper bag sa mini table na nandito sa kwarto ni Lester.

"Kamusta na siya?"tanong niya kay Ked.

"Ganun pa rin. Di pa rin siya gumigising."

Pinagmasdan ko si Webster at kita ko sa kanyang mata ang galit. Kahit sino naman siguro kung mapapahamak ang kakambal mo ay talagang makakaramdam ka ng galit at gusto mo ring gumanti sa nakapanakit sa kanya.

"Feeling ko hindi pangkaraniwang babae ang gumawa niyan. Grabi ang damage eh."napalingon ako kay Sis Adam ng sabihin niya iyon.

Para sakin ay tila double ang meaning ng pagkakasabi niya. I don't know why pero ba'ka napaparanoid lang ako dahil na rin sa dami kong isipin this past few days.

"Yah. Magaling siya at hindi basta-basta."napabalik ulit ang tingin ko kay Webster ng sumagot siya. Nakayukom din ang kanyang kamao at halata mong nanggigil.

"Malakas pa."dugtong ni Ked sabay kagat sa mansanas na hawak niya.

Tsk! Tsk! 'Tong batang 'to talaga. Masyadong makapal ang pagmumukha niya. Nakakain na naman ng mansanas eh. Swear, bago magising ang pasyente ay ubos na ang mga pagkain dito. Tsk! Tsk!

"Pansin mo ba, ked? Parang may kakaiba sa aura ng babaeng iyon."

"Yah."

Napasinghap ako dahil sa sinabi ng dalawang 'to. They noticed her aura. Damn! This is dangerious.

"Are okay, girl?"biglang wika ni Adam sakin kaya napatingin ako sa kanya.

Maybe he noticed me awhile ago.

I heave a sigh before shaking my head. I should act normal. Damn it!

"Hindi kasi ako sanay na nasa ganyang posisyon si Lester. Ako kasi ang nahihirapan para sa kanya."tanging wika ko na lang kay Adam to calm them. I know, curiousity runs again on their mind and I need to deceived it.

"Wow, Rylee ha? Parang ikaw ang nanay ni Lester."pinaningkitan ko ng tingin si Ked dahil sa sinabi niya.

Nadinig ko pa ang pagtawa ng dalawa kaya pati sila ay pinaningkita ko rin ng mata.

Here we go again.

"Talagang tinawanan niyo pa ako, ha? Hmm!"inis 'kong wika dito.

Basta 'tong Ked na 'to ay sobrang dali niya akong mabwisit. Tsk! Tsk!

"Wag ka ngang sumimangot diyan, Rylee. Nagmumukha kang bebe! Hahahha!"

Abay! Walang hiyang bata 'to ah! Kinumpara pa ako sa pato. Eh mas kamukha naman niya yung pato tsk!!

Make The Mafia's FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon