~Meant to be broken~
"Kailyne." Tawag sakin ni Ren, ang taong iniingatan, inaalagaan at minamahal ko. Ang boyfriend ko.
"Bakit 'kin?" takang tanong ko dahil kung may gusto syang sabihin o may kailangan sya gaya ng taga cheer ay Mahal ang tawag niya pero ewan na lang ngayun dahil sa mismong pangalan nya ako tinawag.
"Sa rooftop tayo mag-usap 'wag dito." Sabi nya kaya naman ay tumango ako at nagsimula na kaming maglakad papuntang rooftop.
Habang naglalakad ay magpapakilala muna ako. Ako si Kailyne Ramos o mas kilala bilang 'Queen'. 18 years old. Kaya ako binansagang queen ay dahil sa sabi nila ako daw ay maganda, cute, sexy, humble, caring, lovely or what-so-ever pero totoo naman iyon. Halos lahat naman ng lalaki dito sa campus namin ay gusto ako at ang iba naman ay nililigawan ako pero isa lang talaga ang nakakuha ng natensyon ko. Si Ren.
Si Ren Augustine naman ay 19 years old at siya ang tipong lalaki na hindi palasalita, cold, at nakakatakot daw ang itsura pero para sakin ay hindi dahil kabigha bighani ang ganyang klase ng tao at isa pa, sya ay isa sa mga heartthrob dito sa campus.
Napahinto ako sa paglalakad ng huminto ang kasama ko at dun ko lang namalayan na nasa rooftop na pala kami. Pero pagdating naming dito ay wala ni isa sa amin ang nagsalita na para bang ang akward ng atmosphere.
"Ano ang sasabihin mo Ren?" buti nalang at di ako nautal dahil kinakabahan ako sa sasabihin nya. Ewan ko ba kung bakit ko to nararamdam, di ko naman ito nararamdaman noon, ngayun lang talaga.
"Gusto ko sanang magpaalam Kai." Sabi nya na ikinabigla ko.
Magpapaalam? Bakit? Saan sya pupunta? Maraming katanungan ang nabuo sa isip ko pero wala ni isa ang sumagot kaya naman ay tinanong ko sya.
"M-magpaalam? S-saan ka pu---punta?" nauutal kong sabi at parang may pumatak na likido mula sa aking mukha patungong pisngi. Buti naman at hindi kami magkatapat dahil ang position namin ay parehong nasa railings, magkatabi at nakatingin sa mga taong naglalakad sa baba.
"Pupunta na kami sa America. Ewan ko kung kailan ako makakabalik pero pangako ko sayo na babalik ako kaagad at ikaw lang ang babaeng mamahalin ko." Sabi niya na tuluyang ikinaiyak ko. So tuloy sya at mukhang di ko na sya mapipigilan pa.
"P-promise mo yan ha? Na ako lang ang babaeng mamahalin mo?" Sabi ko habang humihikbi. Hinila naman nya ako palapit sa kaniya at niyakap ng mahigpit.
"Oo promise." Sabi ni Ren at hinalikan ako sa noo.
"Pinky promise?" sabi ko at tinaasan ang hinliliit ko.
Tinaas nya rin ang kanya at sinabi ang mga katagang pinanghahawakan ko hanggang ngayon, "Pinky promise." Kasabay ng pagsabi nya ang kanyang pagngiti pero hindi ko inaakala na iyon na pala ang huli naming pag-uusap dahil kinabukasan ay umalis na sila patungong America.
~3 years later~
21 years old na ako ibig sabihin ay Tatlong taon na ang nakakalipas mula no'n at hinihintay ko parin sya hanggang ngayun.
"Tara na Kailyne! Nakatunganga ka nanaman dyan." Sabi ni Cassey at dun lang ako nagising sa pagmumuni muni ko.
"Oo susunod na!" sabi ko at nagmamadaling ayusin ang mga gamit ko at hinabol ko sila.
Pero sa hindi inaasahan ay bigla akong napadaan sa rooftop. Itong rooftop na ito ang saksi ng pangako namin sa isa't isa. Total ay napadaan ako dito bakit di na lang ako pumasok? Baka andyan na siya.
Sa tatlong taon na nakakalipas ay 'di pa rin sya napalitan sa akin puso at talagang pinanghahawakan ko pa ang pangako namin sa isa't isa. Pumasok ako sa rooftop at hindi ko inaasahan ang makikita ko rito. Isang lalaki at babae na naghahalikan at ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Ren.
"A-anong ibig sabihin nito?" Gulat na sabi ko kaya naman ay napatigil sila sa paghahalikan at parehong napatingin sakin.
"Kailyne." Tawag sakin si Ren.
"Babe sino sya?" tanong ng kahalikan ni Ren sa kaniya.
"She's.....nothing." pagkasabi ni Ren no'n ay biglang gumuho ang mundo ko. Pa'no na ang promise namin sa isa't isa? Pa'no na ang pinaghahawakan ko? Pa'no na ako?
"R-ren...But I'm your girlfriend!" sabi ko pero wala akong nakitang bakas na pagsisisi sa mukha nya bagkus ay isang malamig na titig lang ang natanggap ko. Wala na iyong pagmamahal.
"Not anymore Lyne because right now. I'm breaking up with you." Kasabay ng pagsabi niya no'n ang pagdurog ng puso ko at ng pinanghahawakan kong pangako.
"B-but you p-promise?" humihikbi kong tanong dahil hindi ko parin talaga matanggap ang sinabi nya. Martyr na kung martyr pero mahal ko eh.
"Promise are meant to be broken Lyne sorry."pagkasabing pagkasabi niya no'n ay naglakad ako palapit sa kaniya. Walang bakas na pagmamahal o ano man sa mukha bagkus ay malamig na titig lang.
Pagkalapit na pagkalapit ko sa kaniya ay agad ko siyang sinampal ng pagkalakas lakas.
"I thought pagbalik mo ay tayo pa rin yun pala ay nakahanap ka na ng iba. Therefore, we're not meant to be. And I'm disappointed to you, I even disgust you." Sabi ko at tumalikod na sa kaniya--kanila. Naglakad na ako palabas ng rooftop at tinext ang mga kaibigan ko na hindi ako makakapasok sa mga susunod na subject dahil masakit ang pakiramdam ko.
Pagkalipas ng araw, week, month or what-so-ever ay wala na akong balita sa kanila na ikinasaya ko.
"tara na gurl!"
"Let's go party!!"
"Your noisy brat!"
"shut up you three!"
"Let's go." Cold na sabi ko at agad kaming pumunta kung saan man kami pupunta.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad na sumalubong samin ang mga amoy ng sugarilyo, amoy ng alak at mga wild na tao. Base naman siguro sa mga description ko ay alam nyo na kung saan kami pumunta, saan pa ba? Edi sa Bar =__=.
Agad kaming dumeretso sa dati naming pwesto at agad ng umorder ng mga alak na 'LAGI' naming iniinom. Yes lagi, simula ng araw na iyon, ang araw na naghiwalay kami ay madalas na akong uminom at dahil doon tumaaas ang alcoholic tolerance ko.
"Girls CR lang ako." Sabi ko at tuluyan ng tumayo at pumuntang CR ng hindi hinihintay ang pagpayag nila. Bakit ko na hihintayin kung lasing na sila? Mga ilang minuto na kami rito at inom sila ng inom kaya imposibleng hindi sila malasing. =__=
Habang naglalakad ako papuntang CR bigla akong nakabangga ng isang bagay o tao? Ang tigas kasi eh.
"Miss okay ka lang?" sabi niya at inabot ang kamay nya sakin kaya inabot ko ito at dahan dahan akong tumingin sa kaniya at nagkatitigan kami.
THE END.
AUTHOR L: HOW IS IT? OKAY LANG BA? BITIN BA? WALA EH SA GANYAN LANG NAISIP KO. HOPE YOU ENJOY IT!