277 friends online.
Pero ni isa sa kanila, wala naman pangalan n'ya doon.
Pano ko alam?
Malamang, may search box sa online friends diba?
Pero hindi.... sa totoo lang, hindi ko na kailangang i-type pa 'yung napakaganda n'yang pangalan doon, kasi lumalabas na 'yun mismo sa taas ng sidebar ko.
'Yung pangalan ng lalaking tanging laman nalang ng isip ko.
'Yung pangalan ng lalaking pinapangarap kong maging akin.
Tama nga hinala n'yo. Oo, lagi ko nga siyang kaka-chat kasi andun nga pangalan n'ya sa taas ng ibang contacts. Ganon naman sa FB diba? 'Yung lagi mong mga kakachat, mahihiwalay yung pangalan nila doon sa iba mong friends. At malalaman mo kung sino 'yung pinaka-nakakachat mo, kung lalabas pa rin pangalan n'ya doon kahit offline naman siya.
Kahit sobrang dami ka nang acquaintances na online, mapapansin mo may matitira pa ring offline friend sa top part ng sidebar mo. 'Yun, iba na 'yun.
Alam n'yo, sa totoo lang... hindi ko na nga kailangang i-type pa 'yung pangalan niya para makita kung online o offline siya.
Kasi halos permanent na 'yung pangalan n'ya doon sa sidebar ko.
Close kami? Hindi.
Pero bakit ganon, tanong n'yo?
Hindi ko rin alam eh. Alam ko normal lang naman 'yun. Ewan ko.
Hanggang pangarap nalang kaya?
Online ako. Offline naman s'ya.
Minsan nga ang katwiran ko nalang para mag-online ay dahil gusto ko s'yang makausap. Tapos na naman ako sa homeworks, wala naman na akong ibang kachat, pero naka-titig lang ako poreber doon sa pangalan n'ya. Hangga't may isa sa aming maunang magchat sa isa.
Nahihiya naman ako sa kanya kung ako 'yung mauuna eh. Ayokong mahalata n'ya ako! Sino ba naman ako para maipagmalaki 'yung crush ko sa kanya? Sino ba naman ako para magustuhan n'ya rin?
Janella Faye Arnaiz, 'yan ang pangalan ko.
'Yan kaya rin 'yung pangalang sinisigaw ng puso n'ya?
Sana.
Isa lang akong dakilang tahimik person. Hindi ako pala-daldal. 'Yun nga baka 'yung hirap sa akin eh, ang boring ko yatang kausap. Hindi lang ako boring para doon sa mga talagang kasundo ko, 'yung mga tipong hindi ka nga mauubusan ng topic kapag sila 'yung kasama mo?
Pagdating sa kanya... madami man akong gustong sabihin, hindi ko naman masabi. Saklap nga eh. Gusto ko talagang makipag-close sa kanya! Hindi ko pa man masasabing mahal ko s'ya, pero at least lagi ko naman siyang makakausap. Lagi kong malalaman 'yung mga bagay-bagay tungkol sa kanya.
Iba kasi talaga ang pakiramdam mo kapag kausap mo ang taong gusto mo. Kahit ano pa man ang mapag-usapan n'yo, kahit gaano pa man kaiksi ang usapan n'yo, ok lang 'yun kasi siya naman ang kausap mo. Diba tama ako?
Sa kaso samin... puro school lang. Minsan nakaka-singit ng personal na bagay, pero kadalasan, hanggang school lang talaga. Hindi naman kasi kami personally close diba?
'Yun lang kasi ang pwede naming pag-usapan eh. Wala na kaming ibang common denominator kundi 'yun. Matalino s'ya, matalino rin naman ako. Kaya kapag pinagsama kami, ayos diba?
Sa akin s'ya madalas na nagpapatulong sa mga homeworks o whatever. Ewan ko bakit pero nakagawian na namin 'yun. In turn, sa kanya din naman ako nagpapatulong, kahit minsan kaya ko naman talagang gawin. Mas matalino naman kasi siya sa akin eh. 'Yung tipo ng talino ko, nadadaan lang sa kasipagan. Kapag tinamad, ayun, nabobobo na.
BINABASA MO ANG
53+71+23+82 = I LuV U
Teen Fiction[ONE-SHOT] Sinong makakapagsabi na ang kumplikadong lenggwahe ng pag-ibig ay kayang tapatan ng Science, English at Math? Ang pag-ibig kasi.... nadadaan din 'yan sa mga para-paraan.