Stanza 17

460 8 0
                                    


STANZA 17

 

Jethro's POV

Seriously, masama ba? I know baka isipin niyong ginagawa ko to para sa sarili ko pero hindi. Nagkausap kasi kami ni Lisa at ayun. Nashare niya sa akin ang kanyang problems. Sabi niya love na love daw niya si Mervin. Simula pa nung first year ginawa niya ang lahat para mapansin siya ni Mervin. Nakipagclose siya kay Melissa at kay Anna para lang mapalapit kay Mervin. Ginawa nya lahat! Kaso hindi talaga siya pansin dahil iba ang laman ng puso ni Mervin. Nung una akala niya si Melissa yun kaya nagkaaway sila, hindi pa sila magbestfriends nun.  Tapos ayun, nagsabunutan, sigawan tapos sumulpot si Mervin na nagsasabing si Loisa ang laman ng puso niya. Kaya ayun, nagsorry siya kay Melissa, Mervin at Anna then naging bestfriends sila. Pero bitter pa rin siya ngayon, di lang niya pinapahalata. Kaya ayun, parang gusto ko siya alagaan, something like that. Atsaka okay na yun diba? Kesa naman isiksik ko ang sarili ko sa loveteam ng bayan.  

Maganda si Lisa, matalino, magaling sumayaw, mayaman, simple lang at sobrang magmahal. She deserves to be loved. I'll try to love her.

"Oh, Jethro." si Lisa.

 "Hey, Cute." sabi ko then nagpout siya.  Nagpacute pa.

 "Wag nga kasi cute itawag mo sa akin. Eeeh. Oh eto." inabot niya sa akin yung coke in can. Andito kami ngayon sa terrace sa baba. "Ano nga pala ginagawa mo dito?" dagdag pa niya.

 "Wala. May iniisip lang." Binuksan ko yung lata 

"Hmm." umupo siya sa hagdanan. "Answerte ni Ariel at Steph noh?"

 "Oo nga. Kakainggit." Tumingin ako sa kanya. "Ikaw ba, nakamove-on na kay you-know?"

 Tumawa siya. "Well.. i think so." Ngumiti siya. Nangingibabaw yung kagandahan niya.

 "Wow. May pinaghuhugutan ka ba?" napatigil siya sa tanong ko at tumingin sa akin.

  

Lisa's POV

  

"Wow. May pinaghuhugutan ka ba?" napatigil ako sa tanong niya at tumingin sa kanya.

 "Siguro." sagot ko tapos ngumiti. Actually, siya yung tumulong sa akin magmove-on eh. Siguro, he won't and will never realize. Parang nalipat yung attention ko sa kanya eh. Parang naging panakip-butas pero talagang natakpan na niya yung butas completely. Pumasok siya sa butas at ngayon siya na ang laman. YAAAAIY! Ang corny, Pero seryoso, I think i'm starting to fall for him.

"So, okay na ba si Melissa?" tanong niya.

"Yeahp. Actually, nagbreakfree na talaga ang boba." natawa siya sa sinabi ko.

"My decision was right." mahina niyang sabi pero narinig ko.  Decision? What? Ay. Ewan.

 "Uhmm.. what decision?" tanong ko.

 "Ha--ah. W-wala. Hmm." ngumiti siya tapos uminom ng coke. Shemay. Ang gwapo ggwapo talaga ng nilalang na to! *O*

 "Ang gwapo mo talaga." Bigla na lan yan lumabas sa bibig ko. Napatakip ako ng bunganga. Napatingin siya sa akin. Ngumiti siya. Tang in a baha!  

"Cute, namumula ka. Okay ka lang?" hinawakan niya yung noo ko. Kill me now.   

"Ha-aah--eh. W-wala to. S-sa init lang. Hehe."

A Song For You[ASFY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon