Dedicate ko po kay CS_AdultBabes <3
~
" ayoko na sayo. Itigil na natin to. Napapagod na ko"
Yan ang huling salitang narinig ko sa kanya. Masakit man isipin pero.. Wala na kami. Eto ako ngayon. Nasa field, mag isa. Umiiyak. Hindi ko kinaya ang nakita ko . Sobrang sakit. Imagine? Sabi niya mahal niya daw ako . Tapos makikita ko siyang nakikipaghalikan sa iba?!? Asan pagmamahal niya saken dun?!?
Sh!t happens dre . Walang forever okay?
" kailangan ko na ata balde at planggana dito ah. "
Iniangat ko yung ulo ko. Hindi ko siya makita masyado kaso ang labo ng paningin ko. Punong puno ng luha.
"ngumiti ka nga, miss." Sabi nung lalaki.
Pinilit kong ngumiti pero hindi ko kimaya. Mas lalo pa kong umiyak.
Niyakap niya ko. Medyo nakaramdam ako ng comfort pero....
" Gaguu ka ah!!! Nakita mo naman sigurong umiiyak ako tas paiiyakin mo pa ako lalo. Hayy" sinabi ko yun pero iyak pa rin ako ng iyak.
" okay lang yan. Sabihin mo lahat ng nararamdaman mo. It's better to say things too much now than never to say what you need to say again."
oo nga naman noh?
" walang hiya siya. Minahal ko siya. Hindi ko alam kung mahal niya ako tapos may kahalikan siyang iba. D*mn. Nagmukha akong tanga. *sigh* nakakaleche naman. Parang wala kaming pinagsamahan. Ang sakit. Ang s---sa--sakit *sobs* wala talagang forever "
Days passed. Naging magkaibigan kami. More like , mag best friends kami.
Sabay kumain, hinahatid niya ako pauwi, sabay pumasok. Masaya kaming dalawa. Halos nakalimutan ko na nga yung nanakit sakin eh.
" marunong ka ba mag drums? Audition ka na!
naghahanap kami ng drummer para sa aming banda . Just call : 09909090909 and find Ysha Santos. "
Yan yung nakalagay sa flyer. Pinasali nya ako. Tutal marunong naman ako mag drums
Nag audition ako. At kung s-swertehin nga naman, natanggap ako.
Tuwang tuwa siya. Ang galimg ko daw sabi niya.
dumaan ang mga buwan at sumikat ang banda namin. Noong binalita ko sa kanya yon, tuwang tuwa siya. Pero ako, nalulungkot
" wag kang malungkot. Para sayo rin naman yan. Akong ang #1 fan mo. " ang sabi niya.
Ngunit sa kasikatan ng banda namin ay medyo nawawalan na ako ng oras sa kanya. halos once a week nalang kami mag usap .
Ang huling sabi pa nga niya sakin nun ay
" kahit naman mawalan ka ng oras sakin okay lang. Basta susuportahan kita, kung kailangan mo ako, isang tawag lang. At alam ko namang lagi akong nasa puso mo diba? Ganun din naman ako "
Hay. Ang sarap pakinggan. At ayun nga. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan at taon, pasikat na kami ng pasikat. At tuluyan na talaga akong nawalan ng oras sa kanya.
Ngunit isang araw ang sabi niya,
"Bes, punta ka sa resort namin sa sabado"
at pumayag naman ako.
at dumaan ang mga araw, nagconcert kami sa ibang bansa.
sa araw ng sabado , nagpaparty yung mga staff at kabanda ko dahil nga birthday ko.
inuman , pulutan , tawana at kwentuhan....
halos madaling araw na akong nakauwi sa condo.
pagsapit ng linggo, may balitang hindi ko inaasahang marinig. tumawag s akin ang nanay ko at sinabing
"anak, ang bestfriend mo..... nasa ospital...."
pagkarinig ko non ay dumiretso kaagad ako sa ospital.
sinalubong ako ng aking ina, at mga kaibigan.
"anong nangyari? " kinakabahang tanong ko.
" may surpresa siya sayo kahapon pero hindi ka dumating. iyon pa naman daw ang pinakamahalagang araw ang sabi niya.... pinilit ka niyang intindihin dahil ang sabi niya 'baka kasama pa niya ag banda niya..... pero maghihintay pa din ako.' nakauwi na kaming lahat pero naghihintay pa rin siya sayo...
hanggang sa umuwi sya ng alas-3 ng umaga . at habang naglalakad siya, hindi niya alam na may paparating na sasakyan at nasagasaa------" naputol ang sinabi ng kaibigan ko dahil dumating ang doktor.
"kayo po ba ang kamag-anak nila? pwede na po kayong pumasok"
dali dali akong pumasok sa kwarto.
at nung nakita ko siyang nakahiga sa kama ay hindi ko mapigilan ang luha ko. may pumatak na isa, ito'y pinunasan ko . pero dumami lang siya ng dumami.
"b---bes. h---h-hal--ika di-dito" nanghihina niyang sabi..
"sorry.. sorry talaga at nakalimutan ko ang pinag usapan natin. kasalanan ko to eh. kung hindi lang ako nag auditon don edi sana hindi ka magkakaganito. edi sana masaya tayo ngayon. " iyak ako ng iyak.
"ssssh... walang may kasalanan sa ating dalawa.. p-pwede bang payakap?"
niyakap ko agad siya . kahit maraming nakatusok sa kanya , binalewala ko lang iyon. niyakap ko siya ng mahigpit at ganun din siya sakin.
"hindi ka naman mamamatay diba? hindi ko kayang mawala ka. ayoko.... ayoko " tuloy pa rin ang pag iyak ko.
"kahit naman wala ako dito physically, nandito pa din naman ako. mentally.." sabi niya.
"hindi.... hindi na kita mayayakap. w--wala na akong maiiyakan . wala ng mag--- magtatanggol sa akin.... " yung boses ko , garagal na.
"ssssh. wag ka nalang magsalita. "
tinignan ko siya.... halos papikit na ang kanyang mga mata....
hindi.....
hindi pwede.....
"inaantok na ---- a-ako. " kahit lama kong hinang hina na siya, nagawa niya pang ngumiti.
niyakap ko nalang siya ng mahigpit...
iyak ako ng iyak. alam kong konting oras nalang at pipikit na siya.
" ssshhh.. l--love ..... hey. I Love you... " at hinaplos niya ang mukha ko. at nung oras na bumagsak ang kamay niya sa kama, yun din ang oras na tumuwid na ang linya sa aparato ng katabi niya.
"hindi..... mahal din kita. hindi to totoo . wag mo nga akong binibiro.. nakakainis ka naman eh! hindi pwede ..... " hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil iyak ako ng iyak...
simula noon ay hindi na ako nakakain ng maayos. humiwalay na ako sa banda.... iyak lang ako ng iyak. at halos mangayayat na ako.
nagkita kaming umiiyak ako.. tapos ngayong iniwan na niya ako , umiiyak ulit ako ... hay...
" kailangan ko na ata ng balde at planggana dito ah "
natigil ang pag iyak ko dahil sa narinig kong pamilyar na linya.
iniangat ko ang ulo ko at.......
P-- Paanong ?!???!!!
-