( Princess Diana's POV )
" Anak gising na may pasok ka pa!!! " sigaw ni mama. Kung makasigaw naman sya akala mo nasa kabilang barangay ang kausap.
" Opo babangon na " sagot ko sa kanya. Haaayyy inaantok pa ako eh. Ganyan naman tayo eh kapag may pasok kailangang bumangon.
Tapos ay bumangon na ako.
" Osige nakahanda na ang almusal, aalis na ako. " Mama. Kailangan pa niyang mag-trabaho kaya aalis na sya.
After 1 hour
Ayan na, ready to go na.
Ako si Princess Diana Tuazon.Mahirap lang kami. Pero kahit na ganoon sinikap parin nina mama at papa na makapag- aral ako sa magandang school. Isa lang ang kaibigan ko sa school namin. Pareho kaming mahirap kaya pinag-sama na kami ng tadhana. Nakapasok sya doon dahil nakakuha sya ng scholarship. Lagi kaming iniiwasan ng mga classmates at schoolmates namin siguro dahil sa pagiging mahirap namin.
Lahat ng nag-aaral doon ay puro mayayaman. Bukod nalang saming dalawa ni Ana. Mayaman sila kaya lahat ng gusto nila nakukuha nila. Pumapasok lang naman sila doon para makipag-sosyalan. Mayayaman sila pero wala namang laman ang utak nila. Nakakainis nga eh.
" Ceeeesssss " Ano ba iyan nakakabingi. Sino ba iyon tsk . Tapos liningon ko ang babaeng tumawag sa pangalan ko ng pagka-lakas-lakas. Tsk.sya na naman.
" Ana " si Ana pala itong tumawag sakin. Para syang si mama kung makasigaw sila wagas. Dahil sa kanila nabibingi na tuloy ako.
" Halika sabay na tayong pumasok " Ana. Masama toh, panigurado nasa amin na naman ang spotlight.
Sa loob ng apat na taon namin sa King Academy ay sanay na sanay na kaming dalawa ni Ana na lagi kaming hinuhusgahan.
Lakad.... lakad ... lakad
Eto nandito na kami sa King Academy. Good luck nalang saming dalawa.
" Hindi na talaga kayo nadala noh???!!! " sabi ni Alexa na nakataas pa ang kilay. Naku po sabi ko na nga ba eh.
" Ano ka ba Alexa, wag mo ng pansinin ang mga salot sa school. " sabi naman ni Alexandra kay Alexa. Naku naman nakakainis na silang magkapatid.
" Bright idea!!! " sabi ni Alexa. Tapos nag-walkout na sila. Hindi nalang namin sila pinansin dahil sanay na sanay na kami. Tsaka kapag pinatulan pa namin ang mga taong walang utak baka mahawa lang kami. Malakas kasi kapit ng virus sa magkapatid na toh eh.
Matatahimik na sana ako ng may biglang bumangga sakin. Walang iba kundi si King. Ang family nya ang may-ari ng school na ito. Sya ang leader ng 5 stars. Natatawa nga ako tuwing maririnig ko ang 5 stars, para kasing paputok.
Sila ang kinatatakutan at kinababaliwan ng mga students dito except sakin. Kung kinakatakutan kasama ako dun,pero sa word na kinababaliwan - never.
Masasabi mong takot lahat ng students sa kanila pati nga mga teachers walang magawa eh. Sigurado naman kasi na kapag kinalaban mo sila mada- dropout ka sa school.
Halos lahat din ng students dito sila lang ang kinababaliwan. Oo masasabi mong masasama nga ang mga ugali nila pero kapag tumingin ka na sa mga mukha nila para kang nasa langit at nakakita ng angel.
Binubuo sila ng 5 tao. Obvious naman kaya nga 5 stars eh. Lahat sila mayayaman. Mga heirs narin sila. Puro malalaking company ang hawak ng family nila. Sayang gwapo pa naman sila. :-(
" Umalis ka nga sa dinadaanan ko!!! " sigaw nung leader nilang si King. Tapos tinulak nya ako. Nasugatan tuloy ako. Imbes na lumaban hinayahan ko nalang sila. Kasi ako lang ang mapapahamak.