( Trake's PoV)
Krinnnnnnngggggggggg <---(tunog ng alarm)
Tinignan ko muna kung anong oras na
Psh. 7:00
Sabado ngayon at wala akong pasok
Tumayo na ako at pumunta sa banyo ng kwarto ko para mag ayos ng sarili bago ako bumaba
Pagkababa ko dumiretso ako sa kitchen at nagtaka naman ako nung madaanan ko ang dining area
Nakapalibot silang lahat kay Noemi, tahimik na kumakain
Anong meron?
Tahimik akong umupo sa tabi ni Noemi at nagsandok na ng kanin
"Nga pala Trake, bumalik na ang alaala ni Noemi"-Tita Milah
Saglit akong natigilan pero hindi ko pinahalata at pinagpatuloy ang pagsa-sandok ng kanin
Mangyayari ba yung kinatatakutan ko? Ang bumalik sya sa dati?
Hindi naman sa ayaw kong bumalik ang ala-ala nya pero kasi...
Kasi baka magbago ulit ang pakikitungo nya samin. Sa akin
Paano kung maging malayo na naman sya samin?
"Ah ganun ba. Mabuti naman"sabi ko at kumuha na ng ulam saka sinimulan ang pagkain
Habang nakain kami tunog lang ng kutsara't tindor na natama sa plato ang maririnig
Walang nagsasalita
Hindi katulad ng dati na maingay, puno ng tawanan at kulitan
"Ba't ang tahimik nyo Ma? Kuya Drei, Kuya Grey, Terrence, Ku—Trake? Hindi ba kayo masayang bumalik na ang ala-ala ko?"tanong ni Noemi kaya tumigil kaming lahat sa pagkain
"Hindi naman sa ganun anak, Pero nasanay na kasi kami na maingay ka eh. Na ikaw yung nagsisimula ng usapan. Pagpasensyahan mo na lang kami"sabi ni Tita at hinawakan ang kamay ni Noemi
Oo tama. Dati sya yung nagsisimula ng mga usapan
"Ok lang yun Ma. Pasensya na rin po ha. Pero ngayong bumalik na ang ala-ala ko, feeling ko babalik na ulit sa dati ang lahat"
Yeah right. Tama sya. Paniguradong babalik sa DATI ang lahat
"Excuse me"sabi ko at umalis na sa lugar na yun
===
(Xander's PoV)
Okay. Its Monday again
May pasok na ulit at nakakatamad pumasok pero okay lang kasi makikita ko naman si Noemi
F*ck. Mukha akong bakla sa mga pinagsasasabi ko
Obvious naman. I like Npemi
Simula nung nakapag-usap kami ng maayos naging komportable na ako sa kanya
BINABASA MO ANG
My name is Naomi Tachibana
JugendliteraturAkala nya ganun-ganun na lang ang buhay nya Mananatili na lang syang dalaga hanggang sa pagtanda nya dahil simula pagkabata hindi sya pinapayagan ng mommy nya na makipag-interact sa mga lalaki. Hanggang sa may nangyayaring hindi inaasahan. Nagkapali...